xxix. demigod bonding

17.5K 810 90
                                    

ei medyo walang kwenta tong chapter na to kaya sorry po huehue ; thank u po ulit sa support love ya mwa x

__________________________

xxix. demigod bonding

Kakatakas ko lang sa Olympus kasi si Popsy pinipilit akong doon mag-dinner eh alam naman niya 'yung sitwasyon namin si Cy at nung forever haliparota niyang nanay. Ewan ko ba kung anong gustong palabasin ni Popsy pero oh my gods nakakainit ng ulo like augh! Hanggang pagdating ko sa sarili kong bahay eh inis na inis pa rin ako sa nalaman ko today. I mean, okay sa'kin na makipaghigadan, jugjugan o kung ano man si Cy sa kahit kanino kahit kay Cherish, kay Popsy or kay Kite pa wala akong pakialam pero seriously?! Goddes Aphrodite?! Eh nanay niya 'yon eh, gago ba siya?! Gods, I swear super luwag na ng mga turnilyo sa utak ni Cy para pati sarili niyang mother dear eh patulan niya. Ew, ew, ew! Hindi ko ma-imagine kung paano sila... kung paano sila... OH MY GODS!

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko pero tumatakbo pa rin sa isip ko si Cy. 'Yung mga panglalandi niya sa'kin dati, 'yung mga sinasabi niya na nakakapagpakilig sa'kin, 'yung mga simpleng bagay na nakakapagpangiti sa'kin... ginagawa niya rin kaya 'yon sa nanay niya o puro jugjugan lang talaga habol nila sa isa't isa? Err--kadiri talaga! Super duper mega ul--

"BEEP BEEP"

Anak ng teteng naman o! Sino ba 'yang bumubusina sa labas eh nagpapahinga ako?! Sa pagkakaalam ko naman eh wala akong kapit bahay. Omgs, don't tell me bisita ko 'yan?! Aba ano ba gabi niya bisita pa rin?!

"BEEP BEEP BEEEEEEEEEEEEEEP"

"O puta--wait, Aphrodite na lang subsitute ko sa puta since siya naman talaga 'yon--"

"BEEEEEEEEEEEEEEP"

"Aish!"

So bumaba na ako agad tapos lumabas ng bahay para makita kung sino 'yung istorbong kanina pa busina ng busina sa'kin. Mas lalo akong nainis nung makita ko kung kanino 'yung sasakyan. Lintek ano na naman bang kailangan nitong boy trompo na 'to letche ha!

Napansin kong bumaba 'yung bintana nung sasakyan tapos lumitaw 'yung ulo ni Kite 'don. "Dani!" Tawag niya sa'kin sabay kaway pa. Ngiting-ngiti siya pero tinitignan ko siya ng masama. "Halika na!"

"Ulol nagpapahinga ako!" Sagot ko sa kanya.

"Party tayo sige na! Promise, makakalimutan mo lahat ng problema mo! Tara na!" Ayos ah parang wala siyang narinig at patuloy pa rin siya sa pagimbita sa'kin.

Napaisip ako ng ilang sandali. May pasok ba bukas? Oo pero... pero Greek Myth naman 'yon eh magaling naman ako ron tyaka baka um-absent lang din ako run bukas kasi hindi ko masisikmurang makita si Cy. Hmmm... makakalimutan ko lahat ng problema ko? Ano bang klaseng party 'yan?

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now