xiii. i want you

24K 985 284
                                    

xiii. i want you

"Bakit ka pala nawala nung Sabado?" Tanong ko sa kanya habang pinapaikot 'yung chocolate milk ko sa mesa rito sa cafeteria.

Alam niyo ba, first time kong nag-absent sa Greek Myth. Ngayong araw lang. I mean, 'yun lang 'yung hindi ko pinasukang subject ngayon. Di ba nga, role playing sana namin ngayon kaso hindi ako pumasok. Bahala na. Ayoko na nung 99 kung ang makikita ((at makakapartner)) ko lang naman dun eh 'yung taong sisira ng araw ko.

Yep.

Ayaw kong makita si Cy. Jusko, pagkatapos ba naman ng panggagagong ginawa niya sa'kin sa tingin niyo gugustuhin ko pa siyang makita? Sana nga bigla na lang siyang ilipat sa ibang klase para never ko na siyang makita kahit kailan.

"'Yung boyfriend mo kasi. Mukha atang... nagselos?" Tyaka siya ngumiti ng parang kinakabahan. Kanina pa siya tingin ng tingin sa paligid na parang may inaabangan.

Eh? Boyfriend? Sino? Si Cy? Pwe! Mas gugustuhin ko pa naman atang maging boypren ang isang cyclops ((you know 'yung mga giants na may iisang mata na originally eh brothers of the Titans; pero lol asa ka boy, kaya ring magproduce ni Uncle Poseidon ng mga ganun)) kesa mapunta ako kay Cy! Simula nung napagusapan namin ni Uncle Hades kagabi? Nagbago na ang tingin ko kay Cy. Siguro nga hindi ko pa alam 'yung buong katotohanan pero malinaw na sa'kin 'yung point eh. Nilalandi ako ni Cy para hindi ako maka-focus sa paghahanap sa nawawalang anak ni Uncle Hades at maunahan niya ako.

Pwede naman kasi siyang makipaglaro sa'kin ng tama eh. 'Yung walang lamangan. Pwede naman niya sa'king sabihin na hinahanap niya rin 'yung anak ni Uncle Hades para makapagseparate ways kami. Pero hindi niya ginawa! Tsss, bakit pa ba ako nagtataka? Sa nanay niya pa lang, dapat layuan ko na siya eh.

"Hindi ko 'yun boyfriend." Seryoso kong pagkakasabi kay Neon.

Ooops.

Nakalimutan kong sabihin na may date kami ni Neon. Charot, hindi date. Ang landi ko, pasensya. Pero seryoso kay Apollo lang ako--okay, seryoso na talaga. Uhmm, nasa cafeteria kami ng school. Greek Myth kasi namin ngayon kaso nga 'di ba hindi ako pumasok so pumunta ako rito para ibuhos sa pagkain ang pagkainis ko kaso nakita ko si Neon. Haaay~ umaayon talaga sa'kin ang tadhana.

"Sorry nga pala kung umalis ako ng hindi man lang nagpapaalam." Tyaka siya napayuko.

Napangiti naman ako, "Okay lang 'yun. Basta sa susunod 'wag mo na akong tatakbuhan ha?"

Tyaka ngumiti na rin siya sa'kin.

Alam niyo kasi mga kaibigan, wala naman talaga akong habol kay Neon kundi 'yung immortality lang na makukuha ko mula sa father dear niya. Kaso kasi, pogi rin talaga siya. Alam mo 'yung pakiramdam na siya 'yung perfect prince charming para sa'yo? Na lahat ng problema mo pwede niyang i-wash out sa pamamagitan lang ng isang ngiti? Ganun. Ganun ang nararamdaman ko ngayong kasama ko si Neon.

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now