xii. son of a royal biatch

25.6K 943 236
                                    

i wuv u guys thanks sa support mwehe;; uhuh~ neon plss ---->

______________________

xii. son of a royal biatch

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" Kanina ko pa minumura-mura si Cy habang naglalakad kami sa kalsada. Lahat na ata ng mura naubos ko sa kanya pero hindi pa rin humuhupa 'yung inis ko sa kanya at sa mga magiging anak niya sa pyutyur. Yep, kasama sila. Curse you and your future generation! Letche!

Paano ba naman, dahil sa katarantaduhan niya sa buhay na unfortunately eh pilit akong idinadamay mukha atang hindi na ako magiging immortal, ever! Dahil sa kalandiang ipinasa sa kanya ng nanay niyang auggggh whatever-- eh hindi ko napansin na nakaalis na pala si Neon. Alam mo 'yung abot na abot mo na ang tagumpay tapos may biglang hihila sa mga paa mo?!

Alam niyo ba 'yung nararamdaman ko?!

Naiintindihan niyo ba ako?!

"Tyaka mo sabihin sa'king wala akong kwenta kapag hindi ka na tinatablan ng powers ko." Tyaka niya ako kinindatan. Agad ko naman siyang inambahan ng suntok pero dali-dali siyang nag-peace sign.

Augggh! Nakakainis! Paano kapag hindi ko na nakita si Neon kahit kailan?! Paano na 'yung task ko?! Paano na 'yung immortality ko?! My gods, stress na stress na ako! Kalahating buwan na lang eh deadline ko na pero wala pa rin akong napapala. Kung naging si Cy na lang kasi sana 'yung anak ni Uncle Hades eh 'di sana nagpapakasaya na ako sa piling ni Apollo my lab poreber and eber until you die <///3

"Sino ba 'yun, boypren mo?" Pang-uusisa ni Cy sa'kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Silence means yes?" Tyaka siya natawa ng mahina, "May nabubulag pa pala sa'yo?" Tyaka siya humagalpak sa tawa.

Huminto ako sa paglalakad tyaka siya hinarap. Nagpeke ako ng ngiti sa kanya tyaka siya pinitik sa noo.

"Alam mo kasi Cy, sobrang ganda ko. Sa sobrang ganda ko gusto na kitang patayin!" Gigil na gigil ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili kong masapak siya.

Opkors, kailangan may self control pa rin ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng poise. Sayang ganda ko kung magiging amazona lang ako nang dahil sa alien na 'to. Duuh, hindi gawain ng mga fab na katulad ko ang pumatol sa mga hindi namin ka-level-- ay wait, may mga katulad pa ba ako? Ang alam ko kasi ako na 'yung pinaka-fab. One and only Dani Galman ; /flips hair/

"Atyaka pwede ba Cy, tigil-tigilan mo 'ko dyan sa mga panlalandi mo kasi hindi ka na nakakatuwa!" Sabi ko sa kanya sabay irap tapos continue sa paglalakad.

Demigoddess - Daughter of ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon