xxii. friends

19.2K 896 212
                                    

xxii. friends

Gulat na gulat naman ako nung dumating ako sa aking home sweet home dahil tumambad sa'kin 'yung hindi ko alam kung galit, bored o nangiinis na look ng aking Popsy. So hindi ko muna siya nilapitan at tinuloy ang pagsuri sa kanya ((ang charot naman ng pagsuri parang specimen lang hihi)) pero bigla siyang tumayo at piningot 'yung pinakaiingat-ingatan kong tenga.

"Aww! Popsy!!!!!" Patili kong sabi habang hawak pa rin niya 'yung tenga ko.

"Natulog ka sa Olympus pero hindi mo ako dinaanan?!" Nanggigigil talaga si Popsy habang ina-abuse 'yung tenga ko, "At natulog ka pa sa kama ni Cyril! Ikaw na bata ka sabi ko sa'yo bawal ka pang magboyfriend!"

Naiiyak na ako hindi dahil sa pagmurder ni Popsy sa tenga ko kundi baka tumanda akong dalaga. Omgs, kailan ba ako papayagang magboypren? Kapag wala na akong ngipin? Huehuehue.

"P-Popsy! Ano ba!" Tyaka niya na binitawan 'yung tenga ko ako naman eh agad na kinapa 'yun, "Hindi ko naman ine-expect na dun ako matutulog tyaka malay ko bang dadalhin ako ni Cy sa kwarto niya." Depensa ko sa sarili ko.

"Hindi ka naman niya..." Hinihintay ko si Popsy na ituloy 'yung sasabihin niya pero mukhang hindi niya na maituloy 'yun kaya hinulaan ko na lang.

"Hindi Popsy. Never niya akong aanuhin kasi hindi ako magpapa-ano." Pagtataray ko tyaka umupo ako sa may sofa.

Narinig ko naman 'yung buntong hininga niya. Ewan ko ba rito kay Popsy kung bakit sobrang OA. Oo 'pag minsan natutuwa ako kasi protective siya pero huehuehue wala nga ata talaga siyang balak pagasawahin ako, jusme.

"Ano nang balak mo sa buhay mo ngayon?" Tanong ni Popsy sa'kin sabay cross arms pa.

"Eh 'di wala tuloy ang life! Ano pa bang magagawa ko 'di ba? Nakuha na niya eh, tapos na." Pahayag ko.

"Gusto mo bang sumama sa'kin sa Olympus?" Pag-aaya sa'kin ni Popsy.

"Hindi muna Popsy, next time na lang." Matamlay kong sagot.

Nilapitan niya 'ko tapos umupo siya sa tabi ko. Niyakap niya ako tapos hinalikan 'yung tuktok ng ulo ko. Agad naman akong napangiti dahil sa actions ni Popsy. Hihihi.

"Magdala ka ng napkin sa school bukas, dadatnan ka na." Bigla niyang bulong sa'kin tapos nag-disappear na siya.

Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matutuwa. Eh kasi naman! Nakakahiya na pinapaalala niya sa'kin pero kung hindi naman dahil sa pagpapaalala niya nakakalimutan ko. Huehuehue, omgs. Ayan na naman, dalaw-dalaw na naman eh nakakainis!

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now