viii. talkative cy

26.2K 1K 140
                                    

tingin sa multimedia section please? :----)

_______________________________________

viii. talkative cy

Wala kaming Greek Myth. Pero may practice kami ng roleplay. Sa Monday na pala 'yun at Friday na ngayon. Huehue, wala pa kaming napra-practice kahit isang scene man lang tapos ilang araw na lang meron kami. Eh kasi naman! Inabot pa ng isang libong taon bago magsalita 'tong kapartner ko kaya ngayon lang kami makakapagsimulang magpractice! Kung alam ko lang na si Goddess Aphrodite lang pala makakapagbukas ng bibig nitong gagong 'to eh 'di sana noon pa lang naguusap na kami.

Aish!

Okay, ayaw ko siyang kausap.

Gusto ko lang ng 99 na grade sa Greek Myth. 'Wag kayong asyumera, alam niyo naman siguro nangyari sa'kin 'di ba? Huehue, naalala ko na naman. Hiyang-hiya ako sa sarili ko nung nalaman kong napulot lang pala niya. Tapos... tapos... akala ko pa naman...

Pero 'di ba, kung napulot lang talaga niya 'yun... bakit sa wallet niya nilagay? I mean bakit dun sa lalagyan ng picture sa wallet? Pwede naman niyang ilagay sa bulsa niya lang o sa bag or sa whatever! Bakit sa wallet pa?! Bakit kailangan ingat na ingat?

OMGS????????

Okay Dani please tama na. Natuto ka na sa pagiging asyumera mo kaya tigilan mo na. Wala siyang HD ((hidden desire)) sa'yo dahil crush na crush niya si Goddess Aphrodite. Pero mas maganda ako run :3

"Oy Orpheus, ano na?" Nakaupo lang kasi siya sa bleachers ng gym habang nagbabasa ng Greek Myth, specifically eh 'yung myth ni Orpheus and Eurydice.

Okay, nakwento ko na ba 'yun?

Si Orpheus kasi ay isang magaling as in super duper mega ultra galing na musician na ultimong hindi gumagalaw na mga bagay eh napapaindak kapag tumutugtog at kumakanta siya. So nainlab si bebe boy kay Eurydice tapos nagpakasal sila pero ilang days ata pagtapos nung kasal eh nakagat ng ahas si Eurydice sa damuhan. At dahil magaling si Orpheus, he decided na pumunta sa Underworld para kumbinsihin si Uncle Hades na pabalikin si Eurydice sa land of the people still breathing, in other words gusto niyang buhayin ulit si Eurydice. So kinantahan niya sina Uncle Hades at Goddess Persephone then 'yun naaliw sila kaya pumayag si Uncle Hades. Kaso dapat habang papaalis siya ng Underworld hindi siya titingin sa likuran niya kasi nakasunod dun si Eurydice at once na tumingin siya sa likuran niya mai-stuck na sa Underworld si Eurydice. Kaso dahil sa bugso ng puso ((fok ang korni)) eh lumingon siya so hindi niya na na-take si Eurydice sa upper world at forever stuck na si Eurydice sa Underworld.

Okay, naintindihan niyo ba? HAHAHAHA, sorry hindi ako magaling na story teller pero maganda naman ako so keri lang :----)

"Eurydice!" Tawag sa'kin ni Cy. Wow, kina-career na?

Demigoddess - Daughter of ZeusWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu