x. theseus and ariadne

28.1K 1K 254
                                    

'yung nasa multimedia section po ang magpapatunay na anak talaga ng Goddess of Beauty si cy ----->

____________________________

x. theseus and ariadne

Isasanla ko ang lahat makaalis lang ako ngayon sa kinauupuan ko. Auggggggh! Bakit sa lahat ng pwede niyang maging nanay si Goddess Aphrodite pa?! Pwede namang iba na lang maging magulang niya, pwede namang si Uncle Hades para tapos na agad 'yung problema ko pero lintek hindi eh!

Ang mas masaklap pa eh confirmed nang hindi talaga anak ni Uncle Hades si Cy. Ibig sabihin, hindi ko pa talaga nahahanap 'yung magiging susi ng pagiging immortal ko. Ibig sabihin kalahating buwan na lang meron ako para mahanap 'yung tunay na anak ni Uncle Hades! Linteeeeeeeek, paano ko mahahanap 'yun nang kalahating buwan lang?!

Aish!

"Wala ka bang gana at hindi ka kumakain dyan?" Tanong ni Popsy sa'kin habang nakatingin sa nakasimangot kong mukha.

Eh paano naman ako makakakain kung nakikita ko si Goddess Aphrodite rito pati na rin 'yung anak niya?! I mean, pwede namang babae na lang 'yung anak niya o ibang lalake pero nyeta bakit kailangang maging si Cy pa?! Alam mo 'yung 99% na 'yung pagiging perfect niya tapos 'yung 1% eh 'yung nagiisa niyang imperfection which is 'yung nanay niya?!

NAIINTINDIHAN NIYO BA AKO????????????

"Busog pa po ako." Sagot ko na lang kay Popsy.

"Ah. Busog sa kakatingin sa anak ni Aphrodite?" Napatingin ako ng masama kay Popsy tapos nagkibit balikat na lang siya tyaka kinagatan 'yung mansanas na hawak niya.

Tsss. Bakit hindi ko agad napansin? Kaya pala super gwapo niya kasi anak siya ni Goddess Aphrodite. Pero kasi naman 'di ba lahat ng gods and goddesses magaganda't pogi kaya normal lang pero asdfghjkl exceptional kasi 'yung ganda ni Goddess Aphrodite ((hinding-hindi ko na 'yan uulitin kahit mamatay man ako)) kaya sureness na exceptional din 'yung ganda o kagwapuhan ng magiging anak niya.

Bakit hindi ko agad naisip?!

Atyaka may kasalanan din si Cy sa'kin! Bakit hindi niya agad sinabi na si Goddess Aphrodite pala 'yung nanay niya? Atyaka aish, isa pa! Kaya pala alam na alam at kilalang-kilala niya si Goddess Aphrodite nung klase namin sa Greek Myth! Nanay niya pala! Taragis, bakit hindi ko napansin lahat nang iyon TT TT

At dahil hindi talaga ako makakain ng maayos nagpaalam na ako sa lahat ng deity sa Olympus tyaka umuwi na. Hindi ko pinansin si Cy tas 'yung nanay niya kasi halata namang busy silang naguusap so yae na. Tyaka medyo may tampo pa ako kay Apollo kasi akala ko magde-date kami 'yun pala... tsk!

Nung nasa bahay na ako eh hindi pa rin ako makatulog dahil sa punyetang Cy na 'yun. Tapos... tapos... Cyril pala 'yung totoo niyang pangalan tapos ang bongga niya magshort cut?! Cy lang kaya nilalagay niya sa mga paper works namin! Ano 'yung exclusively for Goddess Aphrodite lang 'yung pagtawag sa kanya ng Cyril? Wow ha.

Demigoddess - Daughter of ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon