xv. minor gods

24.7K 870 266
                                    

xv. minor gods

Dahil pareho kaming curious ni Cy eh sumama kami kay Kite. Tyaka, demigod din siya. Malay niyo baka maging katropa rin namin siya. Pero letse talaga eh, habang nasa sasakyan niya kami ((yep, bongga may sasakyan siya)) eh walang tigil niya kaming dinaldal tungkol sa sarili niya. Oo, curious kami kung sino siya-- pero tama ba namang ikwento niya kung anong kinain niya kagabi, kung anong sinuot niya kahapon, kung anong pabango niya at kung ano-ano pang bagay na hindi naman namin kailangang malaman.

At dahil katabi niya ako, ako 'yung sobrang napepeste niya. Nasa backseat kasi kaming dalawa tapos si Cy eh nasa tabi ng driver's seat. Kanina pa siya tingin ng tingin ng masama sa'min gamit 'yung rearview mirror. 'Pag nahuhuli ko siyang nakatingin eh it's either iirapan ko siya o tatawanan.

Hala, wala naman kasi akong ginagawang masama para makatikim ng mga ganong tingin mula sa kanya. Kung makatingin naman kasi siya parang nanlalalake ako eh. Bakit, mag-asawa ba kami? Tsss.

Nang makarating kami sa medyo magubat na parte ng syudad eh huminto na 'yung sasakyan. Bumaba kami sa isang malaking puno ng acacia.

"Nandito na tayo!" Masiglang sabi ni Kite na parang ang saya-saya niyang sa wakas eh nakauwi na siya.

Nagkatinginan ulit kami ni Cy. Kasi, lol seryoso? Eto bahay niya? Puno? Dito siya nakatira? Kasya mga gamit niya dyan? Pano?

"Bat ganyan kayo makatingin sa bahay ko?" Sita sa'min ni Kite, "Aish! 'Yun ang bahay ko!" Sabi niya sa'min sabay turo sa may taas ng puno.

Ah... tree house pala. Lintek, akala namin eh sa puno talaga siya nakatira. Okay, gets.

May kahoy na ladder na nakadikit mismo sa puno at doon kami umakyat para makarating dun sa tree house. Habang umaakyat kami eh hindi ko inaasahang gugustuhin kong manipa ng alien habang papunta ng bahay ni Kite.

"Iba pala meaning sa'yo ng more than friends." Hirit ni Cy habang pinipigil 'yung tawa habang umaakyat siya.

Nauna na kasi si Kite sa bahay niya kasi maghahanda pa raw siya ng pwedeng makain at mainom. Ako naman eh paakyat pa lang at iilang steps lang 'yung agwat namin ni Cy pero nauuna ako sa kanya.

Nilingon ko siya.

"Ha-ha." Sarkastiko kong pagtawa, "Kung ayaw mong masipa sa mukha, 'wag mo 'kong ginagago." Seryoso kong pagkakasabi sa kanya.

"Ligaw?" Nahinto siya sa pagakyat para lang tumawa.

Aish!

Malay ko bang may sarili siyang meaning nung 'more than friends'?! Ano bang alam ko?! Tsss, letche. Ang dami niyang alam.

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now