ix. demigods

25.8K 1K 220
                                    

dedic pala sa'yo kasi may nagustuhan ko 'yung "to olympus and back" omfg, thank you x

_________________________________

ix. demigods

Omgs, Popsy naman! Kung kailangan tyaka naman hindi eepal! Pero kapag super duper mega ultra GV na 'yung mga happenings tyaka susulpot! 'Yung totoo Popsy?! Naku, naku feeling ko may ginagawa na namang censored 'yung tatay ko -_______- So kapag may ginagawa siyang censored baliwala na ako? Kahit ako na 'yung mareyp-reyp dito?

TEKA WAIT SAGLIT HOLD ON

Hindi naman ako rereypin ni Cy dito 'di ba? I mean, I know I'm so pretty like omgs pero hindi naman siya rapist 'di ba? Hindi naman siguro niya namana 'yung ugali ng father dear niya 'di ba?

"O-Oy Cy! U-Uso space!" Pagsaway ko sa kanya sabay layo.

Umayos siya ng tayo tyaka ngumiti sa'kin. Lol, ewan ko kung moody talaga siya o sadyang ginagago niya lang talaga ako. Dati ni magsalita, ngumiti o kung ano man eh hindi niya magawa tapos biglang nasingit lang sa topic namin 'yung Goddess Aphrodite na 'yun bigla na siyang naging malanders?! Ano itey?!

"Ganito na lang, ibabalik ko sa'yo 'yung tanong mo." Salita nito sa'kin, "Demigod ka ba?"

Eh? Kani-kanina lang siya 'yung nasa-hot seat tas biglang ako na?! Hongveles namang magturn ng mundong earth! Pero duh syempre sasagutin ko 'yung tanong niya kasi hindi ako tulad niyang duwag! Ako ata si Dani Galman!

"Oo, demigod ako!" Proud na proud kong pagkakasabi. As in sigaw kung sigaw! Ano naman kung marinig nilang lahat? Eh 'yun naman talaga 'yung totoo.

Tyaka as if naman na may maniniwala :3

Simula pagkabata binubunyag ko na sa kanilang anak ako ng isang Greek God pero pinagtatawanan lang nila ako tyaka iniiwasan kasi akala nila maluwag turnilyo ko. Eh mga gago pala sila, kung ayaw nilang maniwala 'di 'wag!

"Sinong magulang mo?" Interesadong pagkakatanong sa'kin ni Cy.

"Zeus!" Proud na proud kong pagkakasabi.

Oy Popsy! Narinig mo 'yon? Proud ako sa'yo! Kaya ples naman gawin mo na rin akong Goddess of Beauty para magkaalaman na kami ni Goddess Aphrodite! Showdown kung showdown!

"Really?" Tamo 'to! Nagtatanong tas ayaw maniwala -_____-

Demigoddess - Daughter of ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon