xvii. momsy

20K 869 248
                                    

hi~  dedic sa'yo kasi ang cute cute ng edit mo huehue;; thank you, thank you <3

____________________________________

xvii. momsy

"Dani, nakikinig ka ba?"

Nabalik ako sa reality nang marinig ko 'yung boses ni Neon. Napatingin ako sa kanya tapos agad na niyuko 'yung ulo ko dahil sa hiya. Aba, kahit naman fab ako syempre may hiya pa rin akong natitira. Huehue, sorry naman daw. Hindi ko kasi mapigilang mag-daydream.

Ang pogi kasi ni Cy.

Sa sobrang kapogian niya nae-excite akong patayin siya.

Aish! Talagang may date sila nung Cherish? Ano 'yun kakakita lang nila nung isang araw tapos close na sila? Ni hindi ko nga sila nakitang nag-usap dun sa may tree house tapos ngayon date na? Wow, lakas maka-ninja Cy ah? Tsss.

"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?" Tanong ulit ni Neon sa'kin.

Napakagat ako sa lower lip ko, "Pwedeng paki-ulit?" Tyaka nangiti ako dahil sa hiya tapos nag-peace sign sa kanya.

Bigla naman siyang natawa which is nakaka-omg kasi ang pogi talaga niya. Alam mo 'yung parang siyang prince pero eeek, ang hinhin niya! Sarap iuwi! Charot, nalandi na naman ako eh kaka-score ko lang kay Apollo kanina. Hihihi, kilig!

"Tinatanong ko kung kamusta ka na." Sabi niya tapos ngumiti.

Ihhh~ bakit kasi ganyan siya huehue. Wait, bakit kasi napapaligiran ako ng mga pogi? Halos hindi ko tuloy ma-control 'yung sarili kong lumandi. Ano ba, ito ba eh namana ko kay Popsy o ako lang talaga 'to?

"Okay naman ako. Maganda pa rin, as always. Hihihi." Charot, landi ko. "Ikaw ba?"

"Ayos lang naman din pero..." Ipinatong niya 'yung chin niya sa palad niya habang nakatungkod 'yung siko niya sa lamesa, "...hindi ko talaga mapigilang maisip ka eh." O M G S

H-HA?

ANO?

PAKIULIT?

PAKIULIT NG 10 TIMES PA PLS

DI KO TALAGA NARINIG EH

PERO ANG SARAP SA TENGA HIHIHI

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now