xi. ghost whisperer

26.6K 1K 223
                                    

dedic po sa'yo kasi ang ganda nung nigawa mong poster hihi;; i wuv it~ thank u thank u xx

_____________________________________

xi. ghost whisperer

Nagising ako dahil kay Popsy. Hindi dahil sa daily routine niyang magpakulog kundi dahil sa pagyugyog at pagistorbo niya sa'kin habang natutulog -_______- Pagkagising ko eh imbes na ako ang magalit sa kanya, siya pa 'yung nangsermon sa'kin.

"Anong ginawa mo kagabi?" Seryosong-seryoso niyang pagkakatanong sa'kin. Nakapameywang siya habang nakatingin sa'kin ng masama na parang may ginawa akong krimen :3

Kinusot-kusot ko 'yung mata ko. 'Pag minsan talaga hindi lang tatay sa'kin 'tong si Popsy eh. Nagiging nanay din siya. Pero ang OA naman! Naantok pa nga ako tapos biglang andyan na siya agad!

"Natulog malamang?" Sagot ko sa kanya.

Nagising naman ang buong kaluluwa ko nang bigla siyang magpakulog tapos pinanlisikan ako ng mga mata. Hala, anong ginawa kong mali?!

"Takang-taka naman ako sa inyong dalawa ni Cyril eh 'no? Ang lawak-lawak nitong bahay mo tapos kagabi nagsisiksikan kayo? Ang lapit-lapit niyo sa isa't isa ah!" Pagsita niya sa'kin.

Awtsu. Para naman kasing ginusto ko 'yun eh 'no? Malay ko bang mangyayari 'yun. Ang alam ko lang eh nagtatanong ako kung ano 'yung powers niya tapos bigla na lang niya akong hinapit tapos tapos tapos ayon muntik nang makuha 'yung pers kiss ko tapos hindi pala natuloy tapos naging ibon na siya tapos...

Teka naman kasi! Wala naman kaming ginawang masama ang OA OA talaga ni Popsy, 5ever!

"Bakit ako pinapagalitan mo?! Eh siya kaya 'yung nanghila sa'kin!" Pagtatanggol ko sasarili ko.

"Tapos feel na feel mo naman?"

Pinandilatan ko siya ng mata, "POPSY?!"

"Sus, makatingin ka sa kanya nung ano eh. Tsk tsk, 'kala mo 'di ko nahahalata?" Lintek, tamo 'to kanina galit tapos ngayon nangiinis. 'Yung totoo, Popsy?!

"Whatever, Popsy!" Sabi ko na lang sa kanya tapos dumiretso na sa CR pero sinundan niya 'ko run.

"Sinasabi ko sa'yo Dani, hindi ka pwedeng magboypren. Dadaan muna sa bangkay ko 'yang manliligaw sa'yo!" Sabi niya sa'kin.

Ang sweet ni Popsy kapag protective siya at masaya ako run. Pero 'pag minsan talaga nakakalimutan niyang deity siya at never siyang mamamatay kaya natatakot akong baka 101 years old na ako eh hindi pa rin niya ako pag-asawahin.

Demigoddess - Daughter of ZeusWhere stories live. Discover now