Special Chapter 7: A New Home

35.3K 688 186
                                    

A/N: By special demand, pero support niyo din sana ibang stories ko like TFMO: Intertwined, Cross Roads, Chasing Fates - kwento ni Lena. Dollhouse - Kwento ni Corvette, Intoxicated - Kwento ni Lenard. The Witch and The Womanizer - kwento nila Ionna at MIn :)

___________________________

Sa wakas ay narating din nila Rigid ang Martins' Manor. Isa sa pinakamalalaking bahay sa gilid ng burol. Oo ganun ka weirdo talaga ang mga mayayaman, mahirap tuntunin ang mga bahay. Lalo na ang asawa ng kanyang kapatid, ito na yata ang pinakaweirdo sa mga ito. Pero kung sabagay, kaya siguro ito din ang napangasawa ng kapatid niya ay dahil isa ding malaking weirdo ang kanyang sariling kapatid.


"Kuyaaaa~" salubong ni Lena kay Rigid at yumakap kay Ran


"Kuya daw pero nauna pang yumakap sa misis ko" kunwaring tampo ni Rigid kay Lena


"Ako nalang yayakap sayo bro" biro naman ni Aston pero tinignan lang ito ng masama ni Rigid at tumawa lang ang timawang asawa ng kanyang kapatid


"Hoy Aston ha? mabading ka sa kuya ko di ako papayag!" singit ni Lena


"Aba lalo na ako!" sabi naman ni Ran at naghigh five ang dalawa. Minsan sa sobrang magkaugali ng misis niya at ng kapatid niya mas iniisip ng mga tao na silang dalawa ang magkapatid eh, palibhasa matalik na magkaibigan ang mga ito way back their teenage years.


"Baka nga ano, Lenako? Kaya kita nagustuhan dahil kamukha mo si Rigid." sabad naman ng siraulong si Aston. Hindi alam ni Rigid kung itatapon ba niya sa pinakamalapit na bangin ang asawa ng kapatid o itatapon niya ito sa pinakamalapit na bangin.


"Hoooy~ baka nga!!! Wag kang mababading ah! Akin ka na!" saad ni Lena


"Yes po. Lenako~" sabi naman ni Aston.


"Mga baliw, tigil-tigilan niyo nga ako. Papapasukin niyo ba kami o hindi?" asik niya sa dalawa na tumawa lang. Buti nalang at mahimbing pading natutulog ang kanyang prinsesa na karga karga niya. Pag nagising si Kikuri ng wala sa oras dahil sa dalawang payasong ito pagbubuhulin niya talaga silang dalawa at pagugulungin pababa sa daang inakyat ng sasakyan kanina.


"Ito namang si Kuya ang KJ mo padin. Paano kang hindi nabobore dito sa Kuya ko Ran?" tanong ni Lena 


"Ang hot eh" sagot lang ni Ran at nagtawanan sila ni Lena. Napailing nalang si Rigid. Mga baliw talaga ang dalawang ito, pero mas baliw siguro siya dahil hindi nanaman niya mai-alis ang tingin niya sa nakangiting asawa.


Why is it that every time he looks at her she just becomes more beautiful in his eyes, and he falls deeper again.


"Nakatitig ka nanaman My King~ matunaw ako niyan" untag sa kanya ni Ran na ikinangiti niya lang.


"Hey, I've got every right to stare at my lovely wife" aniya.


"Yuck Kuya ang corny mo!" reklamo ni Lena na nagkunwari pang kinikilabutan nang mapatingin ito kay Aston na nakatitig lang din kay Lena. Agad na nilamukos ni Lena ang mukha ni Aston na ikinatawa lang ng huli. At kahit pa i-deny ng denial queen niyang kapatid ay alam niyang kinikilig din ito sa sariling asawa.

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon