Mr. Ice Cream

165K 2.4K 125
                                    

Note: haha after 15 million years! nagawa ko din ang plano ko para sa story na ito, from the start palang ginusto ko ng magka-anak si Ran at Rigid pero hindi ko alam kung paano ang gagawin ko, hanggang sa ang aking utak na butas ay nabutas na nga ng tulyan at nagsuot sa kung saan ayan presto eto na siya! haha ang weird ko! okay leggo!

Sorry nadelay ng bongga nagkaproblema utak ko

___________________________________________________________________

Ran's POV

Tulala pa din ako, mariin akong napapikit, no! this can't be happening! 

That was Rigid...at nakita niya ang anak ko! dear God. Sana hindi niya isipin na anak niya si Kikuri. Hindi ko kakayanin kung kukunin niya sa akin ang anak ko. Tahimik na nanginginain si Kikuri sa passenger's seat habang naka red light pa.

"Mommy ang bait nung guy sa ice cream shop noh? Do you know him? kase parang nagulat kayo kanina eh" sabi nito habang nanginginain ng ice cream.

"Ah...no baby...uhmm...nagulat lang si mommy kase...ah..kasi andun ka pala" sabi ko sa kanya ano ba naman yan Ran! Epic fail ka talaga sa pagsisinungaling, buti nalang at hindi iyon nahalata ni Kikuri

"Really mom? coz he seems to recognize you" she said, now why did she have a super observant daughter? hindi kasi ang tipong madaling utuin ang anak niya eh kaya hindi lusot ang mga paliwanag at mga kaekekan niya sa katawan.

"Ah malay mo, nagandahan lang sa mommy mo! haha!" dinaan ko sa biro ang sinabi ng anak ko, hindi lingid sa akin na may disgusto si Kikuri sa mga lalaking nanliligaw sa akin despite their knowledge na may anak na ako.

"If he'll court you mom I won't mind. I won't mind at all" she said at bigla akong nasamid sa iniinom kong coke =___= lukso na ba ng dugo ito? hindi ako papayag na malaman ni Rigid na anak niya si Kikuri.

Kikuri Mittleschmerz Figueroa is my daughter akin lang siya!

Besides, Rigid hates me to the core. Wag lang niyang magulo gulo ang pamilya ko...what happened between us was the thing of a past, bata pa ako nun, mapusok loka loka pero hindi na ngayong may anak na ako, I won't let him enter our lives. Kikuri is doing fine without a father, hindi na niya kailangan pa iyon.

And I am doing good without a man in my life. Si Kikuri lang ang tanging kailangan ko. Masayang masaya na ako sa anak ko, I don't want to endure more heartaches, Rigid is my past I am over him right now. I should be, for my daughter.

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon