Meeting Her Best Friend

169K 2.6K 216
                                    

*Note! wee nata-touch naman ako at dumadami na ang nagbabasa neto! salamat po! :))

__________________________________________________________________

Ran's POV

Simpatiko? babeym! baka antipatiko kamo! bwiset! bwiset yung lalaking yun! bakit ba kasi naipanganak pa siya! paksheeeeet!!! >_< naalala ko nanaman ang kahihiyang inabot ko kanina sa student council office anak naman ng talangkang ligaw oh! sino ba naman kasi ang nagsabing pumasok ako dun! yan tuloy napagkamalan pa kaming may ginagawang kababalaghan ng animales na yun! yak ha? pede ba? =_= and to make matters worse, napilayan pa yata ako sa pagbagsak ko sa Rigid na yun! tae siya! 

"Arayy..." hagod ko sa nasaktang binti, bwiset! uminit nanaman yung ulo ko ng maalala ko yung nangyari kanina

Naiexplain namin ng maayos sa student body yung nangyari kaya naman natulungan nila kaming umayos ng maayos (ano daw?) basta yun na yun! umayos ng maayos! kung di mo gets eto baril.

"Aww miss Ran, I think you twisted your foot badly, lagyan ko muna ng bandage ito ha?" sabi ng magandang babae na nagngangalang Cristina, in fairness ang bait niya, mukhang sa entire student council eh siya lang matino sa kanila =_= pinsan daw ito ni Rigid, paano kaya nangyari yun, a very sweet girl naging kadugo ng mamaw na yun? impossible di ba? 

"Okay lang, I'm a nursing student, aayusin ko nalang sa bahay mamaya, namamaga na ba?" tanong ko umiling naman ito

"Hindi pa naman po, lagyan ko nalang ng bandage in case na may dislocation" sabi naman nito, ngumiti ako sa kanya

"Salamat! :)" ang sweet sweet niya talaga paano kaya talaga niya naging pinsan yung kurimaw na rigid na yun? tae siya! =_=

"Ayan kasi eh! napaka-isip bata, nadidisgrasya tuloy." singit naman ng bakulaw na Rigid na iyon! hmp leche siya

"sadyang malas ka lang sa buhay ko at lagi akong nadidisgrasya pag malapit ka!" sumbat ko naman

"Eh bakit ka ba kase lapit ng lapit sa akin ha?" sabi nito, napasinghap ako at nakangisi na lahat ang iba pang abnotic na officers ng student body

"Hoy! ang kapal ng mukha mo! ang weirdo weirdo mo tapos--"

"At ang may taong may buhok na green ay hindi weird? mas weird ka nga sa akin eh!" sabi nito

"Hindi mo man lang ako pinatapos magsalita! ang antipatiko mo talaga!" napaka talaga ng lalaking yun! lechey!!!

"Bakit? ikaw din naman ah! isip bata!" tudyo nito

"Wow pres, this is the first time na makita ka naming mawala sa composure mo ah! Looks like you finally met your match pres." tudyo ng isa dun

"Her? my match of course not, don't speak when your brains are detached from your head Loz" he said, ang rude talaga ng gagong ito! sarap sapakin! mayabang! balahura! bakulaw! kapre! lahat na!

"Haha! Yes Pres. pero in fairness ang cute niyo po pareho, aren't you the cosplay queen Miss Ran?" he said, yikes! may nakakakilala pa pala sa akin dito? sino ba naman kasing eng eng ang tumawag sa akin na Cosplay Queen ha? =_= promoted na daw kasi bilang cosplay goddess si Ate Alodia eh kaya ako daw yung queen eh meron pa kaya si Ate Ashley, ahm! hindi ko po sila kaanu-ano ha? ano lang...feeling close haha! o sa mga haters po jan hindi din naman nila ako, fan. Tamang respeto lang sa co-cosplayers ko but I must admit ang ganda nila pareho! o bakit nalihis tayo? ang pinaguusapan dito ay yang bakulaw na isinugo yata ng demonyo sa mundo!

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon