Clarifications

153K 2.2K 144
                                    

Note: Kung malapit ng magtapos ang TFMO! Lalo na ito! hahaha! At wag kayong magulo walang book 2 ito! haha hanggang book 1 lang ito dahil talagang side story lang naman dapat ito eh! hehe eh ang lakas ng karisma ni Rigid kaya ayuuun mwahahaha! XD

__________________________________________________________________

Rigid's POV

"Rigid?" gulat na tanong ni Erika ng makarating kami sa bahay nila. "Oh my gosh Rigid honey mamamanhikan ka na?" excited na tanong pa nito at parang tuwang tuwa, pero I remained silent as I got off the car at hinila siya paloob ng bahay.

"Rigid honey! Dahan dahan naman, asa loob lang naman sila mommy at daddy eh, you don't need to make haste, teka mag-aayos muna ako!" maarte pang sabi nito

"Shaila...and Razor! how nice of you to visit us!" bati ng ina ni Erika kasama ang ama nito, agad namang nangunyapit sa akin si Erika at ngumiti sa mga magulang nito.

"Hi mommy! Hi Daddy! may sasabihin po yata si Rigid sa inyo!" she beamed as she looked at me.

"Well yeah, Sir and Ma'am...I am..."

Napangiti ng maluwang si Erika

"Filing a restriction order against your daughter Erika Shaila Forbes, kapag lumapit siya sa akin, or kay Ran Figueroa, or sa anak niyang si Kikuri Figueroa, wala na pong usapan, dadamputin na po ng mga tiga militar si Erika." I said coldly, napaamang silang lahat sa akin at napabitaw pa si Erika

"What?!" gulat na gulat na sabi nila.

"Wag kang mag-maang maangan Erika, I know na ikaw ang puno't dulo ng nangyari sa akin, sa amin ni Ran ten years ago! Ikaw ang nag-utos kay Gin na paghiwalayin kami ni Ran, well guess what? nagsalita na ang alaga mo" I said coldly

"Erika!" gulat na sambit ng ina nito, ito naman ay tila tinakasan ng kulay sa narinig.

"Hindi lang iyon, you also dropped out para magpanggap na kasambahay namin para akitin ako, and you fed my mother lies para paniwalaang sumama sa ibang lalaki si Ran. You made my life miserable Erika, hindi ako mangingiming ipakulong ka kung hindi dahil sa mga magulang mo" I said, business partner ng kompanya namin ang ama ni Erika, and unlike his daughter, Mr.Forbes is a dignified man.

"Rigid, hijo...why don't you sit down for a bit at pag-usapan natin ito?" Mr.Forbes said to calm up the situation pero ayoko, pinipigilan ko ang sarili ko na sumabog ng galit dahil baka sa harap ng mga magulang mismo ni Erika ay mapatay ko siya, and believe me I can kill her with my bare hands for the hatred I feel for her right now.

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon