Special Chapter 4: Paranoid Daddy

116K 2.2K 379
                                    

A/N: Sorry SOBRANG tagal ng installment nito. Busy eh.

Special Chapter 4: Paranoid Daddy

_____________________________________________________

Ran's POV

Maaga akong umuwi ngayon, bukod kasi sa nagfile lang naman ako ng maternity leave sa ospital eh dinalaw ko lang yung mga minamahal kong pasyente doon. Baka sakaling mabilis silang gumaling pag nasilayan nila ako hahaha de joke lang, syempre kakamustahin ko naman sila! Speaking of kamusta...kamusta kaya ang mahal kong asawa ngayon sa pagbabantay niya kay Kikuri? 

Napatigil ako sa paghahalo ng ingredients para sa ice cream cake na gagawin ko ng napabungisngis ako sa naiimagine kong reaction ng mahal kong Hari. Haha! His eyebrows would cross with that infamous knotted forehead of his, burning eyes and that simangot. Ang simangot na walang katumbas. Simangot ng isang Rigid Montez. Napabungisngis ulit ako.

Alam ko kung gaano kaprotective si Rigid. Along with his protective essence napakaparanoid din niya. Laging motto nun. "Paranoia keeps me alive, it's better than a reckless corpse" pero ayon sa mga kwento sakin ni Lena noong aktibo pa sa mga gyera gyera na yan si Rigid ay halos ihagis niya yung sarili niya sa frontline. Ayon pa kay Lena ay hindi ko gugustuhing makita ang side ng kapatid niyang iyon. Tinawag ko siyang King of Jerks noong una ko siyang makilala ngunit ng sundalo siya ay Emotionless Monster ang bansag sa kanya. He can kill and torture people with even his minimal efforts. At magpahanggang ngayon ay marami pading hindi makapaniwala na na-tame ko ang isang katulad niya. Pati sa Kampo nila pag dumadalaw kami ni Kikuri ay namamangha ang mga tao. Apparently he's ruled his men with an iron fist. At sa loob ay ganun din si Lena. Depsite ng kagandahan ng little sister naming iyon ay madami ding takot sa kanya sa kampo. Sino ba naman ang magaakalang ang cute kong si Lena noon na unassuming at waring hindi makakapatay ni langgam ay mapupunta din sa militar? Silang magkapatid noon daw ay laging sa frontline, sumasalo ng bala at mga bomba. I shivered with the thought, hindi ko maimagine.

Halos sampung taon niyang ginawa yun noon. Mali pala, bago ko pa siya nakilala ay ginagawa na niya yun. He was a daredevil. And with my husband's superior intellect bata palang siya ay napakarami na niyang pinagdaanan. When he was young he was kidnapped for two years by lunatic scientists at pinagaralan, him along with Corvette and his twin sister as well as Tenessee and Blake. Kaya hindi matatawaran ang pagkakaibigan nilang apat. Ng mabawi siya ng mga magulang niya ay naging sobrang paranoid nito kaya naman lumaki siyang istrikto lalo na pagdating kay Lena. When Rigid was in highschool he already assisted in solving crimes and devised intellectual battle plans, he provided aid with the police and the military.  Impressive right?Pinatigil lang siya ng magulang niya ng magkolehiyo siya dahil sa nakita nilang delikado ang kalalagyan ng anak nila but still hindi lumayo si Rigid sa tawag sa kanya ng tadhana. Pero hindi iyon ang buhay na gusto namin para kay Kikuri.

Kaya naman sa abot ng makakaya namin ay pinoprotektahan namin ang anak namin. Hindi lamang sa mga masasamang loob na nakalaban ng kanyang ama noon kundi pati ang lihim naming isang katulad ni Rigid ang aming anak. An offspring of a prodigy. Kikuri's mental processes are far too advanced para sa edad niya. Yet we don't want her to miss on her childhood. We don't want her to feel excluded and out of place.

Sa edad ni Kikuri sa hindi na siya nagffall sa category or pre-set standards ng child psychology. Although she is still much very child like ngunit ang pangunawa niya ay hindi suitable sa edad niya. We are so blessed to have her, but the fear clings in the air. Fear of the possibility that someone will try and take her away from us. 

Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang kotse sa labas ng bahay. It seems dumating na ang hari at prinsesa ko.

"Mommyyyy!" dinig kong sigaw ni Kikuri all in her bags running to hug me. 

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon