Special Chapter 1: Happy Birthday Rigid

166K 2.4K 121
  • Dedicated kay Rigid Razor Montez :) Happy Birthday!
                                    

Missed them? ako din eh :) ngapala about sa post ko sa FB my bad! 6 years old lang po si Kikuri pasensya na mej limot ko kasi huhu much.

___________________________________________________________________


Ran's POV


Masaya akong nagluluto ng hapunan namin. Napasulyap ako sa singsing ko. It's been months mula ng kinasal kami ni Rigid. And I couldn't be any more happier. Marrying him was by far one of the best things that happened to me. Sukat sa naisip ko napangiti ako.

"Uyy si Mommy nagba-blush!" tudyo sa akin ni Kikuri na ikinangiti ko lang. Malapit na ang 7th birthday ng Baby Princess namin, medyo matagal pa...pero kasi diba? 7th birthday yun? parang pre-debut! Kailangang paghandaan ng mabuti. Pero sa ngayon ang kaarawan muna ni Rigid bukas ang kelangan kong asikasuhin!

At may maganda akong ibabalita sa kanya! Sukat sa naisip ko napangiti nanaman ako.

"Mommy you seem so happy po? Dahil po ba birthday ni daddy bukas?" she asked

"Yes baby, and more" I said, nagtatanong ang mga mata nito kaya naman lumapit ako sa kanya at ibinulong ang magandang balita. Agad na namilog ang mga magagandang mata nito at waring maiiyak na sa tuwa

"Really mommy? When? Please tell me it's soon!" she said, napangiti lang ako at tumango at gaya ng inaasahan ko ay nagtatatalon ito sa tuwa at yumakap sa akin.

"Thank you mommy! Thank you thank you so much!!!" she squealed saka niya ako pinupog ng halik

"You're welcome munchkin, but! Don't tell it to daddy for a while okay? birthday gift ko iyon sa kanya eh!" I said at sunod sunod lang itong tumango

"Yes mommy, I promise!" anito saka tumakbo takbo sa sala with arms in the air na para bang lumilipad.

Napangiti lang ako ng pagmasdan ko ito. At lalo akong napangiti ng may lumitaw na pulang rosas sa may malapit sa mukha ko. At naramdaman kong nakayakap sa likuran ko ang aking asawa.

"I'm home" he said at saka humalik sa pisngi ko

"Daddeeee!" Kikuri shrieked at dali daling yumakap sa ama, Rigid caught her and swung her up in his arms.

"How's my little princess? Missed me?" he asked agad namang tumango ang anak namin.

"Yes daddy!" she nodded. Then Rigid held up a plastic bag at nanlaki ang mata ni Kikuri

"ICE CREAM!" she shrieked "Thank you daddy! thank you thank you! thank youuu!" she squealed at pinupog ng halik ang mukha ng kanyang ama. Saka agad agad na kinuha ang Ice cream nito.

"Sa playroom po muna ako!" she then screamed dahil oras na ulit para sa paborito nitong anime.  Ngunit nakita ko pa ang saglit na pagkindat ng batang makulit na iyon sa akin. Napangiti lang kaming dalawa ni Rigid

"May pakindat kindat ng nalalaman ang prinsesa kong yun ah? May sikreto kayo ano my queen?" he said saka ako kinintalan ng halik sa labi

"Secret!" saad ko lang "Ikaw talaga mamaya mamaos nanaman yang anak mo" sita ko pero ngumiti lang ito as he gathered me in his arms. Ano ako bale? syempre agad agad na din akong yumakap.

"Hmm nililihis ang usapan ha? pero dibale mamaya na yan I can't wait to hug you and to say, Happy four months, twenty eight days, sixteen hours and twentytwo minutes Wedding Day-sary. My queen." he whispered huskily at napangiti lang ako saka ako yumakap sa kanya. Araw araw para kaming mga bagong kasal. He never failed to show me how much he loved me.

"I love you my King" I said saka ko hinaplos ang kanyang mukha

"I love you more my queen." he replied

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon