Rigid's Lurid Past

150K 2.4K 197
                                    

*Note: opo! mabagal po update nito...hindi ko din alam kung baket... siguro ay sadyang tamad lang ako...sorry....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ran's POV

Natahimik si Lena sa sinabi ko, worry flashed through her eyes...bakit kaya?

"Lena?" alanganin kong tanong...nag-iwas ito ng tingin..

"I'm sorry Ran..." she whispered, bakit ba nag-e-emo itong batang ito ngayon ha? para din siyang yung kuya niya! at speaking of yung kuya niya TT^TT oh em! bakit ba ganito ang nagyayari sa akin, worried na worried ako...hindi ko alam gagawin ko! pahamak na bibig kase ito eh! bakit si Reino pa ang nasabi ko?

"Bakit Lena...ano ba ang sinasabi mo jan?" sabi ko sa kanya, naguguluhan na talaga ako sa kanya @_@ pareho sila ni Rigid! ay aba sigi na! magkapatid nga sila!

"Alam ko pinapunta kita dito para makilala si Kuya, pero hindi ko naman alam na siya pala yung President na sinasabi mo, at lalong hindi ko in-expect na maiinlove ka talaga sa kanya..." sabi nito

"Oh ayaw mo nun? baket? halimaw ba ang kuya mo at---"

"Oo" haha! natawa lang ako sa sinabi ni Lena, pero hindi ito nakitawa sa akin...hmm bakit kaya

"L-Lena?" tanong ko, hindi ako marunong magseryoso pero this time natigilan ako sa hitsura ni Lena, she inhaled sharply at tumingin sa akin...ooopsss ayoko na yata, allergic ako sa mga seryosong usapan eh...nangangati ako!

"Wala ng kakayahan ang kuya kong magmahal...simula ng mawala sa kanya si Ate MC" sabi ni Lena sa malungkot na tinig O_O

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya, pero isang hindi maipaliwanag na kaba ang lumukob sa pagkatao ko, malungkot na bumuntong hininga si Lena.

"Makinig kang mabuti Ran..." sabi nito at nagsimulang magkwento.

xxx-xxx-xxx

Rigid's POV

Nakatambay pa din ako sa gilid ng kalsada, for some reason ayoko pa muna makipagkita sa kahit kanino...dito muna siguro ako... kakalmahin ko muna ang sarili ko. Umupo ako sa hood ng sasakyan ko at tiningala ko ang langit... Lord...bakit kelangang ganoon pa? Hinugot ko ang kwintas ko...at binuksan ang bilog na locket, sa loob nun ay litrato namin ni MC...Mikhaila Cystern Gamboa...ang unang babaeng minahal ko... Mikhaila was my childhood sweetheart...she was my everything... dahil sa kawalan ko ng interest sa buhay noon kung ano anong kademonyohan ang ginagawa ko, kami ng barkada ko, si Blake, si Tenessee, at si Corvette. Mikhaila was always there to support me... mahal niya ako kahit ano pa ang mga pinag-gagagawa ko...

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon