The Prodigy

217K 3K 758
                                    

Girl dedicated sa iyo kasi may part dito si Reino mo eh hehehe!

___________________________________________________________________

Nakakainip namaaaaaannnn! reklamo ko, eh bakit ba? eh sa reklamador kasi talaga ako eh! oo na isumbong ko na sa baranggay ang mga reklamo ko! eh paano asa labas ako ng room ng mga second year! at ano ang ginagawa ko dito? teehee

silip....

silip....

silip!

Mouhahaha! I'm stalking someone! oo na! sa mga prude jan! masama mangstalk lalo na kung babae ka pa! eh paano naman kasi yung taong gusto ko ewan! hindi ata tao! walang nakikitang iba eh! hindi ko nga alam kung duling ba talaga siya pero---uwwaaaaahhhh yun na siya!!!

Pinakatitigan ko ang huling lalaking lumabas sa classrom ng mga second year sa Business Management (nakakahiya ako mas matanda pa ako sa kanya =_=) pero kasiiii!!! pak! naiihi na ako sa anxiousness, bawat galaw niya sinusundan ko...bawat ngiti at tawa niya naka embed sa ala-ala ko...pak! ang pogi niya! sheeeettttt!!! may mga ganito pa palang nilalang sa mundo!

Reino Rittz Hashikawa height: 6'3" half-japanese 1/4 spanish and 1/4 filipino oo ganun siya pang-international! haha pang-international din ang kagwapuhan! pero alam ko naman hanggang tingin lang ako sa kanya, hindi ko naman idinedeny sa madla ang ganda ko di ba? pero kasi si Reino yung taong impossible to reach, kasi Una: mas bata nga siya sa akin, pangalawa: rocker siya pangatlo: ang dami niyang fans! at pang-apat sa last concert ng banda nito ay naghayag ito na inlove daw siya sa isang babae na impossibleng makuha niya, at ang ambisyosa ko naman kung iisipin kong ako yun eh ni hindi pa nga niya ako kilala eh.

Nakita kong umalis si Reino kasama ang mga bandmates nito

"Hi irog! ahm kumain ka na ba? wag kang papagutom ha? kasi baka magkasakit ka, well andito lang naman ako Reino mahal, willing na i nurse ka pag nagkasakit ka, sabihin mo lang kahit hindi mo ako kilala, basta okay ka okay na din ako...Reino ha?" sambit ko mula sa puno'ng pinagtataguan ko

"You like Reino?" isang tinig ang narinig ko mula sa likuran ko, dahan dahan akong lumingon at anak ka ng buteteng pinalakol sa kili-kili! waring nanlaki yung ulo ko ng makakita ako ng demonyo!

Si Rigid Razor Montez! nasa likuran ko at narinig niya ang mga kagagahang pinagsasasabi ko!!! sheeeeetttt! >_< will someone please kill me now???!!!

"Ha? ah..ehhh" anak ka ng tinapang duling! bakit ba kasi andito ito? pakshet nama oh!

"Ano'ng ginagawa mo dito?! Ini-stalk mo ako ano?!" akusa ko sa kanya! bakit naman kasi andito pa itong gagong ito? =_= at sa lahat ng makakrinig! tae sa tae! kelangan bang siya pa talaga dapat?!

"Akala ko kasi nilulumot na itong puno, lilinisin ko sana buhok mo lang pala" anito! napasinghap ako! ano daw?! did he just transcend on how a man could possibly be rude?!

"Hoy! ang kapal naman ng mukha mo! hindi ako--" sigaw ko pero tinakpan niya ang tenga niya na waring walang naririnig, nag-giritan ang mga ngipin ko sa inis

"wag mong ilihis ang usapan, so you like Reino huh?" tudyo nito, a mischievous smile forming in his lips, at tengene @_@ ang...ang pogi niya....uwaaaahhhh!!! ano ba naman itong mga naiisip ko! erase erase! at kelan pa naging pogi ang mga lamang lupa na autistic na monster na jerk at demonyo at....sizzling hot and look at that smile oh...syet!!!!! >_< Ran naman eeeeh!!!! get a grip of yourself! get a grip of youurrrseeelffffff.....pagmamaka-awa ko sa sarili ko! anak naman kasi ng tokwang hilaw oh! bakit ba may mga taong ganito? perfect na sana eh! kaso ang ugali! malaking X! palyado!

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon