The Wedding FINALE

192K 2.9K 432
                                    

Note: Sa totoo lang? butas pa ulo ko sa ending nito haha as in walang idea! lels imbes na magisip ako kagabi ay nag edit lang ako ng pics lol. But anyway, I'm done crying for this unknown ending. It's high time our hot general gets his ending. ;) Salamat po sa mga supporters ng RanGid! mamimiss ko din sila, watch out nalang sa Book 3 ng The Famous Meets the Ordinary at magkakaroon sila ng mga appearances doon.
Okay Leggo!
_____________________________________________________________________ 
Rigid's POV 

Nagkakaingay ang lahat dahil andito kami sa beachhouse na nabili ko at sa likod ng bahay which is a private beach. Dito gaganapin ang kasal namin ni Ran. At maaga palang ay maayos na ang preparations, salamat sa mga kaibigan ko sa army, and with Tenessee and Blake's help also. Syempre andyan din ang parents ko at ang kapatid ko.

Binuklat ko ang sulat ni MK, after our conversation nalaman ko ang tungkol sa sakit niya, and that she's happy that finally she's free from the guilt she had been suffering mula ng iwan niya ako...matatahimik na daw siya ngayon at nalaman niyang masaya na din ako. She's in Rome now. At doon nalang daw niya isspend ang natitirang buhay niya. I do hope maging masaya siya kahit konti nalang ang nalalabi sa buhay niya.

Lumabas ako ng bahay saglit all made up, habang si Lena ay nangangarag sa pag-aayos ng mga kailangang preparations, she refused to let me help dahil mas nangangarag lang daw ako. Napangiti ako ang buong lugar, they got the theme I had in mind precisely and hiding everything from the bride is just superb. Well hindi na ako makapaghintay...

For my Mrs. Ran Figueroa-Montez

Ran's POV

"Rain, okay lang ba talaga? I mean hindi ba pwedeng dun nalang ako sa bahay mag-ayos?" tanong ko kay Rain ito ang nag-aayos sa akin ngayon she was even the one who made my wedding dress, bukod sa pagiging modelo ay nakatapos din kasi ito ng kursong fashion designing and Annika Rain Hanabishi is one of the most fashionable persons I know.

Pero...pero bakit parang weird yung ginagawa niyang ayos ko? eh traditional naman ang wedding namin ni Rigid, hindi na namin ginawang masyadong maingay ang kasal namin. Who needs a super wedding when I have him by my side?

Hinayaan ko lang si Rain sa ginagawa niya habang binubuklat ko ang scrap book namin way back college. From a a handful of strands mula sa wig na ginupitan ko dahil doon sa wig kong iyon ay lagi niya akong nasisita...napangiti ako, the university seal in his cape as a president, yung isang piraso ng cutlet ng cape niya..napangiti ako ng isang buklat ko ay nandoon ang picture namin ni Rigid ng una kaming magcosplay together. Then various memories, isang chocolate wrapper. Natawa ako pati sa mga chopsticks. Talagang ninenok pa namin iyon eh.

Then nasa isang pouch sa scrapbook. Our very first engagement ring...I remember the balloons...links ng youtube kung saan nakarecord lahat ng kanta niya para sa akin.

Binuklat ko ulit...

Napangiti ako ng makita ko doon ang panyo niyang ninakaw ko sa US noon, ng gawin namin si Kikuri...then ultrasound pictures of Kikuri...her first smile...her first leaf na pinulot, pati ang unang langgam na pinatay niya.

Vast collection of KIkuri's daily pictures...then it was then again ng bumalik si Rigid sa buhay naming magina. And we became a complete family...

Napaluha ako buti nalang maagap si Rain at pinunasan ang luha ko para hindi magsmudge.

"Haay naku ikakasal nalang kayo iiyak ka pa?" sabi nito sa akin ngumiti lang ako sa kanya. It's time to start a new scrap book...dahil magsisimula na ang mga buhay naming magkakasama.

"Thanks Rain" I whispered.

Third Person's POV

"Kuya ano ka ba para kang matatae na ewan jan! umayos ka nga!" sabi ni Lena sa kapatid, Rigid was fussing all over hindi sure kung ano'ng gagawin.

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon