29

4.5K 80 9
                                    

"Hala weh? Yun yung sabi nung bruha na yun sayo? Anong banat mo?" sunod sunod na tanong ni Kristel.

Magkasama kami ngayon sa Starbucks. Nakipagkita naman siya kaagad saakin dahil sabi ko sobrang naiirita na ako at ang hirap maging okay kasama yung Julia Barretto na yun.

Dati siya pa naman yung pinakapaborito kong artista kasi nga maganda, matalino at akala ko mabait. Hay, nakakairita!

"Sabi ko hindi niya makukuha yung taong ayaw magpaagaw. English nga kanina eh, masyado siyang conyo kaya sinabayan ko na para hindi talo diba"

"May something nga pala talaga sakanya. Bale totoo yung mga chismis tungkol dyan kay Julia B."

Nag-agree naman ako sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa phone kong tumunog. Mukhang may nag-text saakin at imposibleng si Deejay yun dahil kasama niya pa yung bruhita.

*Kathryn, umuwi ka na.*

Nagtaka naman ako sa text ni Mama. "Gurl, pinapauwi na ako ni Mama. Hindi ko rin alam kung bakit." sabi ko at tumango naman siya.

"Sige, pagkakuha nalang natin nung inorder natin tsaka tayo mag Grab." suhestiyon ni Kristel.

Pagkapasok ko sa bahay, bungad agad si Mama na nasa sala at nakatayo. Mukhang kanina pa ako inaabangan. Si Papa naman nakita kong kakapasok lang niya sa kwarto.

"Ma, anong meron?" tanong ko

"Ano kasi.. nak, si Julia dito na talaga natin papatirahin." sabi ni Mama. Lumabas si Julia, ang ex bestfriend ko. Galing ata siyang banyo at nasaktuhan na kakarating ko lang. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata.

Napakunot naman ang noo ko. Dahan dahan kong pinagmasdan ang itsura at hugis ng katawan niya. Natigilan naman ako at halos napaawang ang bibig ko nang mapansin kong..

"Wala na kasi ang lola ni Julia, noong isang linggo pa. Parati kaming nagpapa-check up ni Julia dahil nga buntis siya." Paliwanag ni Mama kahit na hindi pa ako nagtatanong. Malaki na ang tiyan ni Julia at nagkalaman laman siya. Kaya pala hindi ko na siya nakikita at napapansin sa school. Ang huli kong kita sakanya ay nung sinampal ko siya.

"I.. I.." halos wala akong masabi. Hindi ko alam kahit na ang dami dami kong naiisip, hindi ko naman masabi.

"Anak, patawarin mo na ang kaibigan mo. Pag-isipan mo ng mabuti kung gaano na katagal ang pinagsamahan ninyong dalawa ni Julia—"

Namuo na naman ang galit sa isip at damdamin ko.

"Sana naisip niya din yun noon."

Naalala ko na naman ang mga pinagsasabi ni Julia noong nahuli namin sila ni Iñigo.

"Kath, let's talk." mahinang sabi ni Julia at pumasok na rin si Mama sa kwarto nila ni Papa. Kaya pala pumasok si Papa kanina at seryoso ang mukha dahil wala siyang pinapanigan saamin.

"Wala na tayong kailangan pag-usapan." Matigas na sabi ko at lalakad na palayo pero natigilan din ako. Humarap ako sakanya. "Kanino 'yang bata? Sino ang ama nyan?"

Umiwas naman siya ng tingin kaya kinabahan ako. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at ngumiwi naman siya, mukhang napahigpit ata ang pagkahawak ko sakanya. "S-Si Iñigo."

Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Mabuti naman. Tumalikod na ako at papasok na sana sa kwarto ko pero hinila niya ang kamay ko paharap sakanya.

"Ano na naman bang kailangan mo, Julia?" Hindi ko kailanman naisip na lahat ata ng may pangalang Julia eh nakakairita.

"Kath, please patawarin mo na ako. Oo, malaki ang atraso ko sainyo ni Daniel pero sa totoo lang, walang nangyari saamin noon."

Napakunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"We almost did. Ayun yung sinend kong picture sayo pero tinulak niya ako palayo nang mamalayan niyang hindi ako ikaw. Pero sa sobrang inis ko sayo nun, mas lalo ko pa siyang inartehan at effective pa rin naman yung hinalo ko sa inumin niya."

A-anong..

"Kath, sana patawarin mo ko. H-hindi ko alam ba't napunta ako sa ganong kababang level. Siguro immature pa ako at ayaw kong maging masaya kayo noon dahil naiinggit ako. Simula nung kami palang, ramdam ko naman na ikaw talaga ang gusto niya. Yung mga tingin niya sayo at kung papaano ka niya hanapin at samahan."

"J-Julia.." nauutal kong sabi.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nalilito ako. Para akong isang sanggol na kakapanganak palang at walang alam kung nasaan at anong nangyayari.

"Kaya kong aminin lahat sayo mapatawad mo lang ako, Kath. Gusto ko 'ring malaman mo na noon palang nung nanghingi siya ng cool off, inamin niya na gusto mong mag showbiz siya kaya wala siyang pakielam kahit pa magbreak kami. Lagi kaming nag-aaway nun kasi gusto niyang magsama kayo pero binabawalan ko siya. Hinihigpitan at sinabihan ko si Daniel na magpapakamatay ako kapag nakita ko kayong nagsama kasi nagseselos ako sa tuwing pupunta ka sa bahay nila. Mas welcome at kilala ka kaysa saakin."

Pinunasan ni Julia ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Nanlambot naman ang puso ko sa nakikita't naririnig ko. Julia's really fragile. Nakikita ko na naman ang transparent at dating kaibigan kong si Julia Montes na walang tinatago.

"One time, kinuha ko yung phone niya at nakita kong puno ng pictures o stolen mo. May mga messages siya sayo na hindi niya naman sinend dahil natatakot siya sa mga threats ko. Mahal na mahal ka niya, Kath. Kaya sobrang laki ng inggit at galit ko noon. I know sobrang worst ng mga pinagggagawa ko pati na din yung inutusan ko siya na lumandi siya sa iba't ibang babae habang kayo. Sabi ko buntis ako at ipapalaglag ko yung bata kapag hindi niya sinunod pero tumigil ako. Tumigil ako kasi natauhan ako, nagkatotoong may bata nga sa sinapupunan ko at kay Iñigo yun. Kaya naglakas na rin siya ng loob na balikan ka at bumawi sa mga bagay bagay na hindi niya naman ginusto."

Halos manghina't lumuhod ako sa sobrang pagkagulat sa mga narinig ko. Hindi ko aakalaing lahat yun ay nagawa ng tinuring kong kaibigan simula noon. At pati na rin sa mga pangangamba ko kay Deejay. Kaya pala sa tuwing sinasaktan niya ako emotionally, nakikita ko sa mata niya na malungkot din siya. Pero kabaliktaran nun ay ang mga pinagsasabi niya saakin.

"Sorry, Kath.." Humahagulgol na sa harap ko ngayon si Julia. "Sorry.. I'm sorry..." Paulit ulit habang nakahawak siya sa mga kamay ko at pumapatak na sa sahig ang mga luha niya.

"Please.. patawarin mo ako.." dagdag niya pa at patuloy ulit sa paghingi ng tawad.

My HaterWhere stories live. Discover now