24

5K 72 2
                                    

Kinabukasan, nasa school si Deejay. Mukhang nagkaron siya ng free sched sa oras niya kaya nakapasok siya. Maraming nagkakagulo sakanya habang kami ni Kristel eh nakaupo lang sa gilid at kumakain ng icecream.


"Ang taray eh noh, sikat na yung ex mo." Natatawang sabi ni Kristel habang nakatingin sa mga nagpapapicture kay Deejay. Dati lang, nagpapapicture sila kasi magaling siyang basketball player pero ngayon iba na ang dahilan.


Tumango tango naman ako. "Wala tayong magagawa dyan, iba talaga tadhana eh." 


"Uh.. excuse me lang saglit." rinig kong sabi ni Deejay. Papunta siya sa direksyon namin ni Kristel kaya yumuko ako. "Kath.." 


"Uy teh, kath daw." Kinikilig na sabi ni Kristel at siniko pa ako. Nako! Malay ko bang pati siya suportado saamin ni Deejay. KathDee ba kami? KathNiel? 


Dahan dahan akong tumingin sakanya. "Ano?" 


"Wow, fierce!" sabat uli ni Kristel. 


Tinignan ko siya ng masama kaya napatikom siya ng bibig at ngumiti nalang. 


"Pwede ba tayong mag-usap?" Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa paligid at kitang kita ko yung mga camera ng ibang estudyante na nakatutok saamin. Wala na, finish na. 


"Sige, pero wag dito." sabi ko at nagpaalam muna kay Kristel bago kami umalis. Nauna ako kay Deejay at umakyat ako papuntang rooftop. Break naman na namin eh, kaya nga kami kumakain kanina ni Kristel ng icecream. 


Pagkarating namin sa rooftop, natigilan ako.

Naalala ko yung panahong nasaktan ko siya dahil sa isinarili ko lang yung problema. Na yung dalawa ginawa kong isa. Na dapat teamwork kami sa mga bagay bagay.

Yung panahong loyal pa si Deejay saakin at ipinaparamdam niya talaga na ako lang yung mahal niya. Eh ngayon kaya? Posible nga ba talagang mabalik yung dating kami?


Lumakad papalapit si Deejay saakin. Umupo naman ako at umupo din siya sa tabi ko. Parang nung dati lang.. 

Napapikit ako. 

Ang dami nga talagang nagbago. Sobrang bilis ng panahon. 


"Pwede ba kitang mayakap? Kahit saglit lang, miss na miss na kasi kita eh." 


Hindi ako sumagot. Hinintay ko kung gagawin niya ba o hindi pero nanatili lang siya sa pwesto niya. Ganun rin naman ako. Walang umiimik saaming dalawa.


"Kathryn, mahal na mahal kita. Ilang beses ko ng nasabi sayo yan pero ilang beses ko lang din napatunayan. Nagkagulo buhay ko simula nung iniwan kita. Nung hinayaan lang kitang mawala sa buhay ko. Kung pwede lang ibalik yung kahapon, hindi ako magkakamaling iwanan ka.." 

Tumulo yung luhang kanina ko pang pinipigilan. 

"Maraming nagsasabing mahal nila ako. Yung mga fans ko? Katumbas nila eh yung nag-iisang Kathryn na nag-alaga saakin. Yung nagmahal saakin ng todo."


"Oo, aaminin ko. Marami na akong naging kasalanan sayo, marami na akong maling nagawa pero Kathryn, mahal kita. Sobra. At hindi ko na gagawin ulit yun. Last chance, bal."


Hindi ako nagsalita.

 Hinayaan ko lang siyang mag-explain at iparamdam saakin kung ano ba talaga yung nararamdaman niya.

Kung ano yung nasa isip at puso niya.


"Hindi ko na kayang mawalan ako ulit ng isang Kathryn Bernardo sa buhay ko." 


Ngayon, nakatitig na si Daniel sa mata ko. Nakaharap na siya saakin habang ako, mukha ng tanga kakaiyak. Wala na akong pakielam kung ano na yung itsura ko sa harap niya ngayon. 


Hinila niya ako patayo. "I love you."


"Last chance, Deejay. Last chance." 


Napangiti siya sinabi ko at nagkatitigan uli kami. 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagulat ako nang halikan niya ako pero hinayaan ko nalang. Namiss ko rin naman kasi siya, eh.


Pagkatapos ng ilang oras, hinatid na ako pauwi ni Deejay. Ang bilis din ng araw ngayon o sadyang hindi ko lang napansin siguro kasi magkatabi kami ni Deejay sa bawat klase at okay lang naman kay Kristel dahil ngayon lang daw kami uli nagkaayos. 

Nasa tapat kami ng bahay nang makita namin si Julia na naglalakad mag-isa. 

Napatigil siya saglit at tinignan kaming dalawa. "Kukunin ko lang gamit ko, di na ako titira dito." 


Magsasalita palang sana ako pero dumiretso na siya papasok sa loob. Ano nanamang nangyari? Dahil ba sa ayos na kami ulit ni Deejay kaya naggaganyan siya? 

Napailing nalang ako. Wala na nga ata talagang chance na magkaayos kami ni Julia. Sobrang layo na sa dati.


"Umuwi ka na, papasok na rin naman na ako sa loob." sabi ko 


Tumango siya at saglit na hinalikan ako sa noo. "Mag-call tayo pagkauwi ko ha? I love you." 


Ngumiti ako ng tipid. "I love you too."


Okay naman na kami pero sa ngayon, binabawi niya pa rin yung tiwalang nawala. Yung mga pangakong napako niya. He said he'll do his best para lang mapanatag na yung loob ko at maging masaya ulit kami. 

And this time, sana hindi na ako ma-dissapoint.

Sana hindi na ako masaktan. 

My HaterWhere stories live. Discover now