22

5.6K 101 1
                                    

"Please welcome.. Daniel Padilla!" 


Rinig ko naman ang palakpakan ng mga audience. Marami na agad siyang tagahanga at maraming bilib sakanya. Kay Deejay.


"Good morning ho" Masayang bati ni Deejay kina Melai, Jolina Magdangal at kay Tita Karla Estrada


Pinakanta siya pagkatapos ng ilang sandali. Nakakapanibagong makita si Deejay sa tv. Hindi na kasi siya pumapasok dahil sunod sunod na projects ang ibinigay sakanya dahil kilala pareho ang magulang niya. Isang aktor at aktres na may show pa. Mag-iisang linggo na siyang hindi pumapasok at sa tv ko nalang din siya napapanood. Sa tuwing uuwi ako, tungkol sakanya halos ang ibinabalita. Usap usapan siya sa showbiz dahil may isang gwapo at fresh na artista.


Hindi pa rin ako nakikipag-balikan sakanya. Although, he's trying to gain my trust. Again. Parati siyang nagtetext para i-update ako sa mga ginagawa niya at kinakamusta niya ako. Nagrereply pa naman ako kahit papaano kaya lang hindi na sweet at malambing. 


I love him pero masyado na siyang na-baby kaya siguro naging ganun yung pakikitungo niya saakin.



"Wala ka bang girlfriend, Daniel?" hirit ni Melai Cantiveros 


"Nako, mamshie! Tinatanong na ni Mamshie Melai si Daniel. Paano na yan?" biro ni Jolina Magdangal


Natahimik lang si Tita Karla at sumagot naman si Deejay. "Wala na ho, pero hinahabol ko." 


Nag-react naman ang mga fans ni Deejay. 


"Kilala mo ba yung hinahabol ni Daniel, mamshie Karla?" tanong ng mga ka-mamshie ni Tita Karla


Itinapat ni Tita Karla yung mic sakanya "Oo naman.." 


"Mabait na bata yung girlfriend ng anak ko at botong boto ako sakanya. Siguro may mga panahon lang talaga na feeling ng mga kabataan ngayon eh hindi na agad nila kaya sumusuko agad sila pero alam ko namang magbabalikan sila." 


Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Tita Karla. Meaning, umaasa din siya saaming dalawa ni Deejay na magkabalikan. Kahit si Magui alam din na wala na kami ni Deejay pero hindi rin niya alam ang dahilan. Walang may alam. 


At ngayon, nabunyag na talaga officially na wala na kami dahil hindi pa siguro alam ng mga kabatch ko na wala na nga kami. Hindi kasi siya pumapasok kaya akala nila ay hindi lang nagkikita. 


Machichismis na naman ako at huhusgahan. Sabagay, sa lahat naman ako parati yung mali eh. Kailan ba ako naging tama?



Kinuha ko yung remote at pinatay ko na yung tv. Magpapahinga nalang ako. 


Walang tao sa bahay. Hindi ko alam san pumunta si Julia at wala akong balak alamin. Si Papa nagtrabaho at si Mama naman ay may pupuntahan lang daw. Parati silang tatlo na wala dito sa bahay at mas okay para saakin yun dahil nakakapag-drama ako sa mga unan ko. 

My HaterWhere stories live. Discover now