5

7.9K 131 10
                                    

"Flowers for you," at nagsitilian naman yung mga tao sa paligid namin. 


Napangiti ako. Sobrang nakakataba ng puso na makitang naiiyak sa tuwa yung bestfriend ko ngayon. Kasama ko si Inigo dito sa gilid at nakaakbay siya saakin, wala namang malisya dahil kaibigan lang naman ang turing namin sa isa't isa. 


"I love you, D" sabi ni Julia na dahilan para mapahiyaw yung ibang tao. May mga naiinggit ngayon na mga babae at pati na rin lalaki, isang kawalan para sakanila na may mahal na ang isang Julia Montes. 


Nginitian pabalik ni Deejay si Julia at nagyakapan sila. Nasa labas kami ng campus ngayon dahil bawal mag ganyan sa loob. Pagkatapos ng nangyari ay dumiretso kami sa restaurant. Nagpareserve daw si Deejay para saaming apat. Sila na ngayon pagkatapos ng limang buwang panliligaw ni Deejay sakanya. Sanay na din ako sa closeness namin ni Deejay although parang mas close kami ni Inigo dahil kaming dalawa parati ang nagsasama. 

Habang naghihintay, nakangiting tagumpay lang si Juls habang nakatitig sa bouquet na punong puno ng sunflower at may singsing pa siyang suot na binigay din kanina ni Deejay sakanya. Dalawang linggo nalang kaarawan na din ni Julia kaya nag-iisip na rin tuloy ako kung anong ireregalo ko sakanya.


"May pa treat si mayor ha!" pagbasag ko sa katahimikan namin. Hindi ko rin alam bakit ang tahimik namin ngayon eh dapat nga nag-iingay kami dahil sila na.


"Syempre!" masiglang sagot ni Deejay at kumindat saakin. 


"Congrats sainyo, par" sabi ni Inigo at sumagot naman ng salamat yung dalawa. Si Julia sobrang blooming niya na talaga. Alam mong sobrang saya niya at napakahealthy ng relasyon nila kahitnung nanliligaw palang si Deejay. Ni isang beses hindi ko sila nakitang nag-away o nagkatampuhan. Matataas din yung grades ni Julia ngayon kumpara noon siguro kasi dahil inspired siya kay Deejay.


Habang umiinom ako ng tubig, nagtanong naman si Julia "Kath, kelan ka magboboyfriend?" halos masamid naman ako at napakurap ng ilang beses dahil sa tanong niya. "Hindi muna ngayon, wala pa akong plano eh" 


"Sayang naman.. eh si Inigo ayaw mo?" hirit niya at napatawa ako ng malakas. "Ang layo ng mga ex ni Inigo saakin noh! Magaganda, maputi, matangkad, matalino, san ka pa diba?" 


"Syempre pag mahal mo, mahal mo talaga. Diba, D?" sabi ni Juls at tumango naman si Deejay. 


"Eh hindi ko naman sineryoso yung mga yun," ani ni Inigo at ngumuso na parang bata


Linapit ko yung mukha ko sakanya "Oo na, oo na! Type mo lang ako eh" 


"Pano kung oo?" tanong niya 


"Pano kung ako din?" pagbalik tanong ko 


Natigilan naman siya at natigilan din ako. Mamaya bigyan niya ng malisya yung sinabi ko ha? Ilang buwan na kaming magkaibigan pero nag-iingat lang ako mamaya mafall sakin, kasalanan ko pa.

Simula nung maging silang dalawa, para na kaming nagkawatak watak. Busy na rin kami dahil nga sa dami ng requirements at pagkatapos kung may time man kami, nagdedate yung dalawa. Si Inigo naman parating may ginagawa. Hindi ko rin alam kung bakit eh siya na nga lang parati kasama ko sa galaan.

Patulog na sana ako dahil wala naman akong ka chat sa messenger o ano, bigla nalang tumunog yung phone ko. Yung tunog kapag may nag text.


Deejay : Can I call?


Nagreply naman ako ng oo at wala pang ilang segundo, nagriring na yung phone ko. Sinagot ko yung tawag niya at wala munang nagsalita. 


"Hello?" Pangunguna ko. Narinig kong parang huminga siya ng malalim sa kabilang linya bago nagsalita "Kath"


"Ba't ka napatawag? Anong oras na ah" dati kasi nung nanliligaw palang siya kay Juls, lagi kaming magkatawagan. Nag-uusap tungkol sa mga walang kwentang bagay at nakwekwento ko rin yung mga tungkol kay Julia. Inaabot kami minsan hanggang alas tres kaya halos malate ako noon tuwing papasok. Pero nung naging sila nawala na, as in parang bula na nawala. "I--" 


Hinintay ko ulit siyang magsalita, para kasing hindi niya matuloy yung gusto niyang sabihin "Nag-away kami ni Julia." 


"Bakit?" Ngayon lang sila nag-away ah? O baka naman nag-away na sila noon pero hindi ko alam dahil nga hindi na kami masyado nakakapag-usap. 


"Papasok na ako sa showbiz soon. Pinipilit talaga ako ni Mama kundi magbebreak kami." 


Dati ko pa pinipilit si Deejay na pumasok sa showbiz dahil syempre nakakaproud makita yung katropa mo na nasa tv at maraming fans diba? Yung iba kilala naman siya dahil anak siya ng dalawang artista. 


"Anong sabi ni Julia?"

"Ayaw niya, 'di niya raw gusto na marami akong fans na babae kung sakali. Atsaka baka maging busy raw ako ganun." 

"Ikaw ba, gusto mo ba?"

"Eh di--Edi magbebreak kami kapag di ko sinunod gusto ng ermats ko."

"Kung san ka masaya, dun ka."

"Kung san siya masaya, dun ako?" 

"Ikaw.. masaya ka din ba kung san siya masaya?" 

"Hindi ko alam, Kath. Hindi ko pa alam."

"Pag-isipan mo ng mabuti basta andito pa rin naman ako para sumuporta sainyo eh. Makakaya niyo yan kung mahal mo naman siya."


And with that, natapos na yung pag-uusap namin at bago ako natulog napaisip ako. 


Bakit parang may kulang?



My HaterWhere stories live. Discover now