8

7.5K 120 1
                                    

Buong araw si Inigo yung kasama ni Julia habang ang kasama ko naman ay si Deejay. Si Inigo na ang nagsabi saakin na sasamahan daw muna parati niya si Julia dahil nga cool off yung dalawa at paniguradong nagkwento na si Julia sakanya.

Si Deejay naman nililibang ako. Imbes na siya ang ilibang ko, ako naman yung nililibang niya. Paano ba naman kasi iniissue kami ng iba na kaya hindi raw magkasama ang dalawang sikat na sikat sa campus ay dahil daw saakin. Akala ata nila may relasyon kami ni Deejay, mukha bang aahasin ko si Julia?

Napailing nalang ako. Basta't alam ko na naniniwala saakin si Julia kaysa sa mga pinagsasabi ng iba, okay na ako dun. 


"Uuwi ka na ba agad mamaya?" tanong saakin ni Deejay, nandito kami ngayon sa may rooftop. Ang tahimik kasi atsaka walang tao kaya mas komportable kami dito. Tumango naman ako "Oo, may pupuntahan ba ako?" tanong ko pabalik sakaniya. Sinusubukan niyang tirintasin yung buhok ko, nakatalikod lang ako sakanya at nakaupo kami pareho sa lapag. Mukha kaming mga bata, pero who cares?


"Alis tayo, ayos lang ba?" sabi niya at binitawan niya yung buhok ko kaya napalingon ako sakanya. Namumula yung tenga niya at napakamot sa batok niya na akala mo nahihiya saakin.


"San tayo pupunta?" 


"Ewan, dun tayo sa kung san walang problema." sabi niya at natahimik kaming dalawa. 


Sa totoo lang, naguguluhan rin ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin o desisyon. Basta ang alam ko wala namang masama sa nangyayari, diba?

Pagkatapos ng klase, nag commute kami papunta sa kung saan man. Hindi sinabi saakin ni Deejay saan niya balak at may tiwala naman ako sakanyang wala siyang gagawing masama kaya sumama pa rin ako. Nagising nalang ako nung tinapik tapik ako ni Deejay at sinabi niyang bababa na raw kami. Hindi ko nga rin alam ba't kami sumakay ng bus, masyado atang malayo 'tong pinuntahan namin? 

Pagkababa namin, nanibago yung mga mata ko. Parang.. saan kami.. Malamig gaano yung lugar, at ngayon lang sinabi ni Deejay na nasa Batangas na kami. Madilim na din at sumakay pa kami ng tricycle. "Dito nakatira lola ko sa Nasugbu, Batangas. Dito muna tayo kahit papano." 


Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ako nakapagpaalam na mukhang dito pa ata kami matutulog, mapapagalitan ako. Wala naman kami sa ibang bansa para payagan lang ako ng mga magulang ko kung san san ako matulog diba? Nagsimula na akong magtype at nag-isip kung ano itetext ko kay Mama. Masungit yun sobra pag hindi ako nagpaalam tas kung san ako napupunta. Ano nalang kaya sasabihin ko?

Tumigil yung tricycle sa isang malaking bahay. Pagkapasok namin sa loob, may matandang babaeng nasa upuan lang at nanonood ng balita. Panigurado siya yung lolang tinutukoy ni Deejay, pero asan yung asawa niya?

"Lola, si Daniel ho ito." sabi ni Deejay at lumapit sa lola niya. Nagmano siya at sumundo rin naman ako at nagmano. "O Danilo, buti't naparito ka. Sino itong kasama mo?" 


Ngumiti naman si Deejay "Si Kathryn ho, isa sa importanteng tao sa buhay ko." Pagkasabi niya nun ay natawa ng bahagya yung lola niya "Katulad mo talaga ang lolo mo, Danilo." sabi ng lola niya't napangiti. Umupo na kami at kaharap namin yung lola niya, nakangiti lang ako dahil syempre hindi ko alam kung anong gagawin. Unang beses palang na makikilala ko yung iba pang kapamilya ni Deejay bukod sa mga magulang at kapatid niya. "Nagagalak akong makilala ka, Kathryn. Tawagin mo nalang akong Mamita para hindi ganun katanda kesa kay Danilo na lola pa rin ang tawag saakin eh sabi ko na nga noon pa na Mamita ang itawag." 

My HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon