16

6.1K 113 4
                                    

Tahimik lang kami sa bahay. Oo, sumunod si Julia sa bahay namin. Hindi ko alam bakit naglakas loob pa siyang pumasok sa pamamahay namin pero anong magagawa ko? Si Julia ang paborito kahit ako yung anak saaming dalawa.

Kinausap siya ni Mama, sila lang dalawa. Samantalang ako, andito lang sa kwarto, nagmumukmok at naghihintay kung ano ng nangyari kay Deejay.

Maya maya, may kumatok at nakita kong pumasok si Papa pagkatapos. "Anak, okay ka lang ba?" 


Tumango naman ako. Sa totoo lang, okay naman talaga ako. Masakit man para saakin na ganun si Julia saakin basta't andyan si Papa tsaka si Deejay, okay na ako. 


"Gusto ko parati kang masaya. Hindi ako sanay sa ganyang Kathryn, anak. Wag mo nalang alalahanin 'yang nanay mo kasi napamahal din siya kay Julia. Alam mo namang itinuturing namin na kapatid mo yung batang yun diba?" 


Tumango ako. "Opo, pa. Alam ko naman po yun." 


"Sigurado ka ba talagang mahal ka ng Daniel na yan?" tanong ni Papa. Hindi ako nag-alinlangang tumango. "Opo naman. Sigurado ako, Pa."


Tinitigan lang ako ni Papa na para bang kinakausap niya ako gamit ang mata niya. Pagkatapos ay napabuntong hininga siya. "Labas na ako, basta siguraduhin mong kahit ikaw nalang, di saktan ng lalaking yan." 


"Salamat, pa. Love you." 


Pagkalabas ni Papa, sumunod naman si Mama at Julia na pumasok sa kwarto ko. Napaayos ako ng upo sa kama ko. Kitang kita ko ang taray sa mukha ni Julia at yung mukha ni Mama na parang may nagawa na naman akong kasalanan. Ano na naman bang sinabi niya sa nanay ko?


"Kathryn, humingi ka ng tawad." seryosong sabi ni Mama.


Medyo napaawang ang bibig ko sa utos ng nanay ko. Ako? Ako pa ang hihingi ng tawad? "Ano na naman bang sinabi mo? Anak ka ba?" Hindi ko na napigilang sabihin yun habang masamang nakatingin kay Julia. Gusto ko siyang saktan.


"Kathryn!" sigaw ni Mama


"Ma, ba't ako na naman?" 


"Simula ngayon dito na titira si Julia. At hindi ako mapapanatag hangga't hindi kayo nag-aayos. Julia, pwede bang kami munang dalawa ang mag-usap?"


 Sumunod naman si Julia sa pakiusap ni Mama at lumabas. Tumabi saakin si Mama. "Anak, wala ng magulang ang tinuring mong kaibigan simula pa noon. Kaya kung pwepwede lang eh pakisamahan mo siya." 


"Ma.." gusto ko ng maiyak. Ewan ko ba. Wala na ata akong balak mabuhay pa eh. Ano na bang nangyayari sa buhay ko?


Nag-call kaagad ako kay Deejay pagkaalis ni Mama sa kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak at pinapatahan niya ako kahit na magkausap lang kami sa phone. Nagkwento siya ng iba't ibang bagay para mawala sa isip ko yung mga gulong nangyayari. 

Hindi pa rin naman ako bibitaw kay Deejay kahit pa na ganto yung sitwasyon, eh. 

Kinantahan niya lang ako at hindi ko na namalayan hanggang sa makatulog ako. 


Pagkagising ko ay naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi. Para naman akong nasa teleserye. Nakiusap raw si Inigo kay Deejay kagabi na huwag nalang ipagsabi sa iba yung natuklasan namin kasi masyado raw emotional si Julia. Baka mag suicide attempt siya dahil mababaw lang nga raw siya. 

Kahit pa mukhang cool siya sa harap ng iba, alam ko din na ganyan nga si Julia. Dati palang kahit nung hindi pa namin nakilala si Deejay at Inigo, bigla nalang magbebreakdown si Julia. Siguro nga dahil sa mga magulang niya na wala na kaya siya nagkaganun. 

Konting problema lang, gusto na niya sumuko pero nag-stay pa rin ako kahit na ganun. 


"Good morning, gorgeous." Bungad saakin ni Deejay at binigyan ako ng sunflower. Napangiti naman ako. "Good morning din, my Deejay." 


Natigilan siya sa paglalakad at napakamot sa batok niya. Kitang kita ko ang namumula niyang tenga. Ang cute. 


"Grabe naman tayo dyan, ser." sabi niya habang nakatingin sa langit. "Maagang blessing naman masyado." natawa ako sa sinabi niya at nagpatuloy na kaming maglakad.


I don't know pero mas naeenjoy ko pa sa tuwing naglalakad kami ni Deejay dahil siguro hindi kami naubuusan ng mga kwento sa buhay. Pagkadating namin sa room, tahimik yung klase't nakatingin saaming dalawa. Oo nga pala, masama pa rin ang tingin nila saakin dahil si Julia ang parang walang kasalanan. Oo tanggap ko naman na may mali kami ni Deejay, pero hindi lang naman kami yun. 

Napailing nalang ako. Bahala sila. Nakakatamad mag-explain kaya sige i-judge nalang nila ako. Umupo na ako sa pwesto ko't inayos yung mga gamit ko. Sumulyap ako kay Julia at namumugto na naman ang mga mata niya. Kaya pala ganun uli kasama ang mga tingin ng iba saakin. Akala umiyak na naman siya dahil di siya maka get over kay Deejay.

Sa sobrang di niya pagkaget over ayun, may something na sakanila ni Inigo. Napakagaling nga naman talaga.


"Babe, look." Gulat akong napatingin kay Deejay sa sinabi niya. "Anong babe ka dyan?" 


Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Bawal ka bang tawaging babe?" 


"Excuse me, Mr. Padilla, correct me if i'm wrong pero ang alam ko ay manliligaw kita?" 


"Ay, oo nga pala!" sabi niya't napakamot sa ulo niya. "Sayang.." dagdag niya pa kaya natawa nalang din ako. 


"Kath, may sasabihin nga pala ako." 


"Ano?"


"Sobrang ganda mo ngayon." 


Hay nako, Deejay. 

Sana nga hindi ka magsawa saakin.

Sana. 

My HaterWhere stories live. Discover now