14

7K 125 3
                                    

Pumunta muna ako ng restroom para mag-ayos bago ulit kami magsama ni Deejay. Doon kami ulit sa kung saan kami nagkikita, masyado na kasing ma-issue yung mga tao't lalo na sinabi na ni Julia kung ano yung namamagitan sa aming dalawa ni Deejay. Imbes na mag retouch ng mukha ay nagsuklay nalang ako ng buhok at naglagay ng kaunting liptint sa labi ko. Uso kasi 'to ngayon kaya bumili ako. 

May mga nagsidatingang ibang kabatchmate ko na medyo may halo rin ng mga kaklase ko. Alam kong ako agad yung pag-uusapan kasi nga kalat na kaagad 'yang pinagchichismisan nila which is kaming dalawa ni Deejay. 

"Kaya nga eh, naglakas loob pa siyang pumasok." inis na sabi nung isa. Nakatingin siya ng matalim saakin habang sinasabi yun.

"Buti hindi siya nahihiya?" sabat naman nung isang kampon nun. Yung kaklase ko tahimik lang kahit na alam kong nasa loob yung kulo. Hindi nagsasalita kasi andito pa ako syempre.


Pumasok nalang muna ako sa cubicle. Hindi ako nagrereact para kunwari hindi ako apektabo sa mga pinagsasabi nila. Umupo lang muna ako at hihintayin ko nalang munang makaalis sila. Oo, matapang ako. Kapag alam kong nasa tama ako. Pero kasi ngayon, mali ako, kaya tatatanggapin ko lahat ng salita nila pero wag naman sanang harap harapan.. masakit kasi. Wala naman kasi akong ginagawa sakanila, hindi rin naman sila si Julia pero mas galit na galit pa sila kaysa sa mismong tao na nagkasala ako.

Natigilan ako nang maramdaman ko yung malamig na tubig sa buong katawan ko. Binuhusan ako galing sa labas. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Masyado naman ata tong ginagawa nila. Narinig ko nalang silang nagtawanan at yung mga yabag ng paa nila na pahina ng pahina. 

Lumabas ako nung pakiramdam ko ay wala na sila. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, mukha akong kawawa. Napailing nalang ako. Hindi pa rin ako magpapatinag. Para kay Deejay 'to at sa desisyon ko kaya hindi ako susuko. Naglakad na ako palabas at kitang kita ko yung mga tinginan nila saakin. Yung iba hindi pa nagpapahalata na ako yung pinag-uusapan. Dire-diretso lang ako papunta sa locker. Binuksan ko yun at tinignan kung may extra uniform pa ba ako. Pagkakuha ko, basang basa rin yun at may kakaibang amoy.

Pati ba naman locker ko napagtripan? Hindi ba sobrang lala na ng ginagawa nila? Pinigilan ko nalang magalit at dahan dahan kong isinara yung locker ko. Hindi pa ako nakakagalaw sa pwesto ko, natapunan ako ng paint. Parang dugo. Tinignan ko yung itaas ko at may nakahanda na palang red paint sa bucket na sobrang dami. 

Pigil sa pagtawa yung mga nakakita sa itsura ko ngayon. Nakita ko yung ibang babae na nakangisi. Mga inggit lang kasi hindi sila napapansin ni Deejay kaya masaya siguro sila may napagbubuntungan sila ng galit nila. Sa loob loob ko, napailing ako at napatawa. Ang lakas naman nila. Pero mas malakas ako, kasi napipigilan ko yung sarili kong magalit at magbigay ng oras sa mga walang kwentang tao. Edi sana pinangkain nila yung breaktime namin ngayon imbes na mambully. 

Naglakad ako palayo. Palayo sa mga taong walang magawa sa buhay. Mga walang utak. 

Pumunta ako sa may dulo. May restroom pa kasi doon at wala masyadong dumadaan. Ito yung kabilang dulo, hindi yung sa kung saan kami nagkikita ni Deejay. Natigilan ako ng may narinig akong parang nag-uusap pero hindi ko maklaro kung ano yung pinag-uusapan nila. Sumilip ako sa bintana at kitang kita ko si Julia. Nakatalikod saakin si Deejay pero alam kong si Deejay ang kausap niya. 

Maya maya'y papalapit na ang mukha nila at bago pa man tumulo ang luha ko at makita yung susunod na mangyari ay umiwas ako ng tingin at pumikit. Alam ko na. Alam ko na kung anong mangyayari. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumakbo papunta sa restroom. Pagkapasok ko sa cubicle, ni-lock ko at napatakip nalang ako sa mga kamay ko at umiyak.

Uwian na at doon lang ako naalala ni Deejay. 


"Kath!" sabi niya habang nandito lang ako sa rooftop. Tahimik na nakaupo, medyo maayos naman na yung itsura ko. Ang hirap tanggalin ng paint sa katawan kanina.

My HaterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant