20

6K 112 10
                                    

Akala ko hindi na uulitin ni Deejay pero pagkatapos ng mga salitang binitawan niya nung tinanggap ko siya nung pasko, ayun.. nawala. Paulit ulit niyang ginawa na parang hindi niya ako iniyakan nung nasa labas lang siya ng bahay at umuulan. 

Di naman porket umiyak totoo na, he can cry and also cheat at the same time. Yun ang realidad. 


Habang nagi-scroll ako sa twitter ay may nakita akong tweet.

Habang nagi-scroll ako sa twitter ay may nakita akong tweet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung tatanungin gaano ako karupok, i'll rate myself 100/10. Oo, sobra pa sa sobra. Konting hingi lang niya ng tawad, eto na naman ako, pinapatawad na naman siya.

Halos kabisado ko na nga rin ang mga dahilan niya saakin eh. Hindi raw sinasadya, nilandi siya, lasing siya, yung babae yung humarot at iba pa. 

Oo alam ko naman na maraming temptasyon, mas maraming maganda't sexy saakin pero kung taken na, maging loyal naman. 

Hindi ko rin masisisi yung mga ibang babaeng nakikipag-landian rin kay Deejay kasi lumalandi din siya eh pero kung alam din naman nilang taken na yung tao, wag na maging pokpok. 

At ang pinakamasakit eh kung alam na nga ng ibang babae na taken siya, dapat mas alam ni Deejay yun sa sarili niya. Nakakainis. 


"Ba't nakabusangot ka dyan?" 


Napalingon ako sa nagsalita. Kay Inigo. Lumalapit ulit siya saakin dahil nagkwento siya na wala na raw sila ni Julia. Wala rin daw siyang balak na landiin ako dahil napamahal daw talaga siya kay Julia. 

Kahit papaano naman kasi naging magkaibigan kami ni Inigo at may pinagsamahan kami kaya kinakausap ko pa rin siya. Minsan nga eh nagagalit pa si Deejay kasi baka daw nilalandi ako ni Inigo o naglalandian kami.

Minsan kung sino pa yung isa sa taong may relasyon na parating nagagalit sa kapartner na baka may kalandian o ano, sila pala talaga yung meron at guilty lang sila kaya ganun kasi ayaw nilang maranasan yung ginagawa nila.


"Niloko ka na naman ba?" tanong niya


"Anong magagawa ko?" sabi ko at bumuntong hininga. Nagpatuloy pa rin ako sa pag kain ng binili kong ulam at kanin. "Kailan ba hindi.." dagdag ko


"Ba't ayaw mo kasi bitawan?" 


"Ba't ko bibitawan?"


"Gusto mo pa din siya kahit na niloloko ka lang niya?" 


"Mahal ko eh"


My HaterWhere stories live. Discover now