28

4.4K 71 8
                                    

"Uhh.. guys? Hindi ko rin alam kung paano nalaman ng mga fans pero nasa labas sila." Nag-aalangang sabi ni Carlo Aquino. Shockenings! Ang pogi talaga niya ha.. pero ano daw? May mga fans sa labas?

"At sino namang nag-inform sakanila? Dapat para satin 'tong mini-celebration na 'to." saad ni Jerome.

"It's okay, guys. Let's just invite them over pero sila lang. Wag na tayo magsama pa ng iba because the venues capacity is about 30, I guess." suggest naman ni Barbie.

Halos 30 minutes palang ata kaming nagsasama sama. Pagkatapos kumain, nakipag-kwentuhan sila saakin at sobrang masaya naman silang kasama unlike sa mga articles na puro kasinungalingan lang pala.

Umalis na si Nash at Sharlene para sila ang magpapasok sa mga fans. Nakita ko naman si Julia na mukhang may binabalak at lumapit lalo kay Deejay.

"DJ, do you think it won't affect us if they see you and your ex-girlfriend together? Plus i'm just right beside the both of you. Won't they think na you're too close with your ex?" tanong ni Julia. Napatingin naman sa ibang direksyon si Deejay at napaisip. Nag-smirk naman si Julia saakin kaya napairap ako.

Tumingin saakin si Deejay, "Love, i'm sorry. Okay lang ba na mamaya dun ka muna kila Shar?"

"Yes, tangi. It's okay, para naman sa career mo eh."

"Hays, sobrang swerte ko talaga sayo. I love you, Kathryn." sabi ni Deejay at hinalikan muna ako sa noo. Niyakap ko naman siya at kitang kita ko yung reaksyon ni Julia na nakabusangot. Serves you right, bitch.

Lumayo na ako at pumunta sa may table nila Sharlene. Sakto naman na dumating na silang dalawa ni Nash kasama yung mga fans na may dala dala pang mga regalo ata para sa mga idol nila.

Nagsilapitan naman halos kila Julia at Deejay. Bumebeso siya't yumayakap sa nga fans. Wow, ngayon ko lang napagtanto na sobrang plastic ni Julia Barretto. Tumabi naman saakin si Sharlene habang si Nash eh nakikipag-picture sa mga fans.

"Ate Kath, bakit ayaw mong mag-artista?"

"Nako, eh mukha ba akong artista?"

"Oo naman! Ang ganda mo kaya, Ate Kath." nag thumbs up pa si Sharlene. Yung mga fans niya eh pinipicturan lang kaming dalawa. "May tanong ako" dagdag pa niya

"Ano yun?"

"Bet mo ba ugali ni.." Nginuso niya si Julia pero saglit lang dahil maraming matang nakatingin.

Natawa naman ako. "Ikaw ba?"

"Siguro Ate Kath, natarayan ka na niya no? Maldita talaga yan eh kaya di ko siya feel kahit sa taping tahimik lang ako pag andyan na siya."

"Nagulat nga ako eh. Akala ko ang sama ko kasi naiirita ako sakanya pero yun pala.." Hindi ko na itinuloy.

"True! Eh kasi naman, napakaintrimitida." Napanguso si Sharlene at nag apir naman kami.

"Buti magkasundo tayo sa bagay na yan. Kala ko lahat gusto siya eh."

"Hay nako, Ate Kath. Kung alam mo lang wala naman talaga may bet sakanya. Nililinlang niya mga fans niya no!"

Nagsilapitan naman yung mga fans ni Sharlene at nagtanong kung pwedeng magpa video greet. "Sandali lang, Ate Kath." Napatingin naman ako kila Deejay at Julia kung ano na ang nangyayari.

Nakapatong na yung kamay ni Julia sa bandang tuhod ni Deejay at hinahampas niya ito tuwing tumatawa.

"Bub, come on!" Maarteng sabi nito at ngumiti lang si Deejay.

"Julia, may something na po ba sainyo?" tanong nung isang fan.

Lalo namang lumapad yung ngiti neto ni bruha. "Bub, what's the answer?"

"Next question." sabi ni Deejay at akala nila'y biro lang yun kaya natawa sila.

Napabuntong hininga nalang ako. Tumayo ako at pupunta sana ng comfort room pero—

"Kuya Daniel, diba yun yung ex mo?"

Dahan dahan akong lumingon at nakita ko naman na nakatingin silang lahat sa direksyon ko. Nawala yung ngiti sa labi ni Julia.

"Y-yeah, we're friends." sagot ni Deejay sa tanong nung fan.

"Hala! Ang ganda! Pero mas maganda ka pa din po, Ate Julia." sabi nung maikling buhok.

"Kath! Why don't you join us? It's no big deal naman and to show the fans na walang awkwardness." sabi ni Julia na mas lalong nakapagkuha ng atensyon ng iba.

Sa totoo lang, gustong gusto ko na siyang irapan. Buti at expert siya sa pagiging plastic.

Lumapit nalang ako dahil wala rin naman akong choice. Nakangiti yung iba pero may mga kampon talaga si Julia na kaugali niya't nakataas ang kilay saakin.

"Ate Julia, close po ba kayo ni Ate Kath?"

"Yes but we're getting to know each other pa."

"Ano pong masasabi niyo kay Ate Kath?"

"She's deceiving." sabi niya kaya napakunot naman yung noo nung iba. Samantalang ako, straight face lang. "I thought she's someone who can't accept things, she's bitchy ganun pero opposite pala. Kath's mabait and all."

Nakita ko naman na vinivideohan nung isa kaya mas lalo akong kinabahan pero hindi ako nagpahalata.

"Ikaw, Ate Kath. May gusto ka pa rin po ba kay Kuya DJ?"

Natigilan naman ako. Hindi ako sumagot kaya ramdam kong medyo siniko ako ni Julia at nagkunwaring tinatap niya lang ako.

"Wala na." sabi ko "Mas okay na kaming ganito." dagdag ko pa.

Napangiti naman yung isa na kanina'y nakataas yung kilay. "Edi sinusupport mo naman po yung JulNiel?"

Muntikan na akong masuka sa loveteam nila pero nag thumbs up naman ako. "Oo naman. Bagay nga silang dalawa eh," Note the sarcasm.

"Hala!! Sana all." sabi nung isa at ngumuso.

Bumulong naman si Julia at tumawa si Deejay kaya nagreact yung fans nila.

"Oops—sorry, hehe. Bub kasi eh.." Pabebeng sabi ni Julia at kulang nalang talaga eh buhusan ko siya dito ng kung ano man para magising siya sa kahibangan niya.

"Teka, magc-cr lang ako. Kanina pa ako naiihi eh." sabi ko at nag-excuse.

Ang totoo ay magtetext lang ako kay Kristel na magkita kami sa Starbucks, malapit lang dito. Gusto ko ng umalis at hindi ko na kinakayang makipagplastikan. Nakaka-amaze talaga si Julia Barretto kasi effortless siya sa pagiging plastik niya.

Palabas na sana ako pero nakita ko naman siyang pumasok din sa loob. Ngiting tagumpay.

"I told you, hun. He'll be mine."

My HaterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu