21

5.9K 102 4
                                    

When sooner or later it's over, I just don't wanna miss you tonight.


"Kath" 


Patuloy pa rin akong naglalakad at hindi ako lumilingon sakanya. 


"Kath, sige na oh.. pansinin mo naman ako." 


Napailing ako. Masyado na akong tanga, eh. Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa harap ko at pinigilan akong maglakad.


"I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya yung nasabi ko kanina." 


"Sorry? Akala mo ganun lang kadali lang yun, Deejay?" 


"Please.. love, sorry na oh." 


Napasinghap ako. Konti nalang at bibigay na naman ako. Ganyan naman ako karupok basta pagdating kay Daniel Padilla eh. 


"I love you" pabulong na sabi niya at napapikit naman ako. 


Parati nalang kaming puro drama. Hindi ko alam kung kailan ako mapapagod. Puro nalang pag-iintindi yung ginagawa ko. Walang tao sa paligid namin. Kaming dalawa lang. Sino bang dumadaan dito ng ganitong oras? Mga nasa galaan mga kaklase namin dahil half day at ilang araw nalang eh matatapos na rin namin 'tong school year na 'to. 

College na kami pagkatapos at hindi ko pa rin alam kung saan ako papasok. Ang balak ko sana ay magkasama pa rin kami ni Deejay pero mukhang malabo. Lalo na kung halos kalahati ata ng mga babae eh nakakalandian niya. 

Parang hindi na nga ako yung girlfriend niya eh. Parang wala lang, nasa tabi lang. May matawag lang siyang 'girlfriend' 


"Hindi ka talaga sasagot?" inis na tanong niya saakin


Nawala lang yung isip ko saglit, galit na naman siya agad.


"Sorry" 


"Tangina, paulit ulit nalang. Nakakaurat amputa." sabi niya at napakamot sa ulo niya. 


"Sorry uli.." nakayukong sabi ko 


Naiiyak na naman ako. Ang hina ko talaga pagdating sakanya. Para akong tanga.


"Alam mo? Mag break nalang kaya muna tayo? Hindi na tama 'tong relasyon na 'to eh." 


At ikaw pa ang may ganang sabihin 'yan.


"Siguro nga." sabi ko at ikinagulat naman niya. Ilang beses na rin siya nag-aayang mag break kami pero hindi ako pumapayag. Umiiyak talaga ako sakanya kapag ganun. Minsan napaluhod na ako sa pagmamakaawa na huwag niya akong iwan pero ngayon parang unti unti akong nagigising sa katotohanan. "Mag-break na tayo." mas lalo niyang ikinagulat yung kasunod na sinabi ko at halos hindi siya makapagsalita. 


Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero iniwas ko na ito agad. "Alam ko na. Sasabihin mong di naman yun seryoso, di naman sinasadya at mahal na mahal mo ako. Alam ko na. Kabisadong kabisado ko na.." halos parang basag yung boses ko pero hindi ako nagpatinag. "Lagi mo naman akong iniiwan bigla eh, diba?" 


"Kath, hindi. Sorry, sorry.." parang wala sa sariling sabi niya 


"Ginawa ko lahat to keep you pero tangina hindi ka nagi-stay. Humahanap ka pa rin ng happiness sa iba, happiness na di mo mahanap saakin."


Pinunasan ko muna yung luhang tumutulo bago ako nagsalita ulit. "Ginagawa ko lahat.." gusto kong itigil na yung mga balak kong sabihin pero hindi tumitigil yung bibig ko. Matagal ko ng kinikimkim 'to. "Ginagawa ko yung lahat to give you that fucking happiness para lang magstay ka. I spend most of my time sayo pinapanood ka, message ng message sayo, lambing ng lambing sayo pero that shit hurts kasi mukhang nakakaabala pa ako sayo. Wag mong sasabihin saking gago ka di kita deserve kasi putangina gasgas na yan."


Tinitigan ko siya sa mata. "This time, ako naman yung mang-iiwan. Kasi grabe ka na eh, di ka na natututo. Parang di mo naman ako mahal. Parang hindi mo naman ako niligawan at hindi mo pinagpilitan saakin na ako yung mahal mo hindi si Julia. Na ako lang at wala ng iba. Na pinaramdam mong espesyal ako but in the end, katulad ka rin ng ibang mga lalaki, mga gago't manloloko."


Hindi ko siya hinayaang magsalita.

Tuloy tuloy pa din ako.

Ang dami kong gustong sabihin.


"Alam mo? Feeling ko ako pa may kasalanan eh. Ba't ako pa yung parang kailangang sumuyo sayo? Sa lahat ng ginawa mo una palang durog na durog na ako tas imbes na bumawi ka parang ako pa yung kailangang bumawi. Sana maisip mo naman na unti unti mo kong pinapatay sa ginagawa mo. Gusto ko na maalis yung sakit pero ayokong alisin ka sa buhay ko pero.. sobra na eh. "


"Tama na talaga.. pagod na pagod na ako." 


Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at magsinungaling. Naglakad na ako pauwi. Sa tirahan kung saan parang wala lang rin. 


Iniwan ko nalang siya pagkatapos kong magsalita. Kumatok ako sa bahay at si Mama ang bumukas ng pintuan. Niyakap ko siya ng mahigpit bago pa siya makapagsalita at hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harap ng nanay ko.

Hindi man ako sanay pero wala akong magagawa. Walang wala ako. Wala akong makapitan. 

Di ko na kinakaya 'tong nangyayari saakin, saamin. Masyado ko ng minahal si Deejay na sa tingin ko ay kahit na durog na durog na talaga ako ngayon, siya pa rin yung iniisip at inaalala ko. 


"Sabi ko naman sayo, anak. Nasayang lang ang pagkakaibigan ninyo ni Julia dahil lang sa lalaking yan. Lolokohin at iiwan ka lang rin nyan dahil nagawa niya nga yun bago mapunta sayo, sa tingin mo ba hindi niya magagawa yun sayo?"


Hindi nalang ako sumagot. Mas lalo nalang akong naiyak. Minsan alam ko naman na naiintindihan ako ni Mama, nag-aalala lang siya kasi nga alam niya yung istorya. Pero hindi naman kasi ganun si Deejay.. siguro may dahilan lang siya at kasalanan ko rin na napagod ako kakaintindi.

Hindi niya kasi ako binibigyan ng rason. Kahit isa lang naman na rason tatanggapin ko para lumaban pa, eh. 

Kahit naman ganito, alam kong babalik at babalik pa rin ako sakanya. 


Kung sino pa yung sobrang nagpapasaya saakin, siya rin pala yung dahilan ng sobrang pagkalungkot ko.


Wala na talagang nakakaintindi saakin.

My HaterΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα