Kabanata 1

2.3K 45 0
                                    

LARA


"NAKU! Nakakainis talaga, ang kapal ng mukha ng tukmol na 'yon! Oo nga at gwapo, saksakan naman ng yabang!" inis kong sabi habang patuloy pa ring naglalakad sa kawalan.


Naiinis na ako dahil sa katangahan ko, ngayon mas naiinis ako dahil nakadaupang palad ko ang mahanging tao na iyon! Sana naman wala ng lalala pa sa mga nangyari, hiling ko lang na sana ay maging ayos na ako at makarating ako ng matiwasay sa patutunguhan ko.


Nasaan na ba kasi ako?Grabe naman, parang pabalik balik na ako dito oh.

Muli kong tiningnan ang cellphone ko pero patay pa rin ito.Hay,ang malas malas ko naman, dami na agad ganap sa pagpunta ko dito,pero wala naman na akong magagawa eh, kailangan ko na lang magpatuloy sa paghahanap at paglalakad,kung hindi, dito ako magpapalipas ng gabi ngayon sa kalsada.

__________

ILANG minuto pa ang nagdaan, heto at nasa kalsada pa rin ako, palakad lakad.Napakamot na lang ako sa ulo ko at umiling iling, ramdam ko na rin ang gutom ko dahil kaninang tanghali pa ako 'di kumakain simula ng pagbaba ko dito,wala namang sari -sari store dito sa lugar kagaya nito, sana kahit biscuit lang ay makabili ako.Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at niyakap ang sarili,malamang ay kanina pa naroon si aling Kusing sa tagpuan namin , malamang rin ay galit na iyon dahil aakalaim noon na hindi ako tumutupad sa usapan 'di kaya'y nag walk out ako.

Napangiwi na lang ako sa mga naiisip at saka bahagyang kinaltukan ang sariling ulo. Pagkatapos noon ay biglang pumasok ulit sa isip ko yung mayabang na manyak na iyon! Isa pa iyon, nakapagdagdag pa sya ng init ng ulo ko, bukod sa binigay nya saking kahihiyan ay nagawa pa ako nitong bastusin!

"Huh,anong sabi nya? 'Fuck dignity?dadalhin kita sa langit?' Pwe! Lokohan mo nenang mo tukmol 'wag ako! Akala mo ba mae-engganyo ako sa mga sinabi mo? Kahit gaano ka pa kapogi ,kung bastos ka naman at walang galang sa babae, pangit ka pa rin!" Hindi ko narealize na tumataas na pala ang boses ko kaya biglaan kong tinakpan ang bibig ko sa hiya,pero thankful naman ako na mukhang wala namang nakarinig sa akin,naglabas ako ng malalim na hininga.

"Lara,Lara, bakit ganito naman, mukhang bad sign na 'to, 'di talaga magiging maganda ang pagsalta mo dito sa Maynila." Desmayado ako sa aking sarili.

Nag-stay na lang ako dito sa gilid ng kalsada , hihintayin ko na lang ang mga susunod na mangyayari.Ngayon pa lang,nag iisip na ako na hindi na ako tatanggapin ni Aling kusing dahil nadesmaya ko sya, malamang 'di na ako nito ipapasok sa trabaho nya,hindi na rin ako makakabalik sa amin dahil wala na akong pamasahe at magiging palaboy na lang ako sa kalsasa.

'Wag naman sanang mangyari iyon.

_________

"MISS naked, hali ka na, siguradong magugustuhan ang langit sa piling ko.."

Teka? Siya yung lalaki kanina ah? Bakit andito na naman siya?Sinusunda nya ba ako?!At teka, bakit ang dilim ng paligid?

"Heaven, baby, heeeaaavvveennnn.." Nakangiti nitong sabi sabay tawa ng malakas, yung tawang pang manyak!

"L-lumayo ka sa akin!Manyak ka!" Sigaw ko rito pero hindi nya ako pinakinggan bagkus ay unti unti s'yang naglakad patungo sa akin , at hanggang sa ang lakad na iyon ay naging pabilis ng pabilis ,na kalaunan ay naging takbo na!

Kinabahan ako kaya ay tumakbo na rin ako sa bilis ng aking makakaya.

"Baby, wait for me! Let's do a quickie,buwahahaa" sigaw nito sakin habang humahalakhak!

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now