Kabanata 11

1K 19 0
                                    

Note: this chapter is not edited^⁠_⁠^

LARA


"Hey,wake up.We're here ."

Napapitlag ako ng bigla akong gisingin ni sir Kenzo.Inaninag ko ang lugar kung nasaan kami at napapanganga ako ng makitang nasa harap kami ng isang malaking gusali!Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang palabag ba ito!

"N-nasan tayo?" Takang tanong ko.

"Sa company ko.." tipid na tugon nito habang inaalis ang kanyang seatbelt.

"Kompanya mo?Edi sayo ang building na ito sir?" Dagdag ko.

"Yeah.."

Napahanga na lang ako ,malaki na nga ang bahay, pagmamay ari pa ng isang malaking building! Napaka yaman ni sir Kenzo! Ang swerte niya , hindi lang pala swerte,napaka swerte pa! How to be Kenzo Villanueva ba?

"Nagulat ka ba? We'll, actually, lahat ng matatanaw ng mata mo sa lugar na ito ay akin.And,also have resorts and hotels sa ibang lugar." Pagmamayabang nito sakin,sabayan pa ng mahanging ngiti.

" Edi ikaw na sir! Sana all." Pilit na ngiti ko sa kanya.

Narinig ko lang na natawa ito ng bahagya saka inaayos ang kanyang mga gamit. Pero sa totoo lang,talagang humanga ako sa mga sinabi niya , isa talaga siyang pinagpala! Saksakan na ng pogi,saksakan pa ng yaman!

"Stay here.." sabi nito saakin ng takda ko na sanang tataggalin ang seatbelt ko.

"Ha?"

"Ilalagay ko lang ang mga documents na to sa office ko at babalik ako agad.." seryoso nitong sabi sa akin.

"Ha? Eh bakit mo pa po ako sinama sir kung dito lang ako sa kotse?Ano po ba gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"May iba pa tayong pupuntahan ,so prepare yourself.." Wika nito sabay kindat sa akin ar agad na lumabas sa sasakyan.

Ako nama'y naiwang tulala.

Hay nako!Ang amo ko talaga na iyon!Nakakagigil na! So ano na gagawin ko ngayon dito sa loob ng magarbong kotse na ito? Maghintay? Tsk,wala naman na akong magagawa ,amo ko siya eh..

"Maghintay ka na lang Lara.." Sabi ko sa sarili saka bumuntong hininga..

Dumaan ang ilang segundo,minuto ,at isa't kalahating oras,wala pa ring sir Kenzo na nagpapakita!Sabi niya babalik siya agad ,o eh asan na? Ilang beses na akong nakatulog at nagising wala pa rin siya! Hindi kaya,nakalimutan niya na ako? Nagsisimula na akong maniwala na sakit na talaga ng mga mayayaman ang pagiging ulyanin!

Napabuntong hininga na lang ako.Narinig ko na ring kumalam ang sikmura ko,medyo gutom na rin ako dahil wala naman akong halos kinain noong agahan ,malay ko naman kasing magtatagal ako ng ganito rito.Kung bibili naman ako ng pagkain,saan? Parang wala namang atang sari sari store sa lugar na 'to ,pangganon lang naman ang budget ko eh.

"Sir,asan ka na ba kasi?Sabi mo saglit ka lang eh ,huhu!" Pagmamaktol ko sa sarili ko.

Ilang saglit pa ang lumipas ,muli ay nakatulog ako, nagising na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si sir tukmol.

"May biglaang meeting , hindi ako nakaalis agad." Bungad niya sa akin.

"O-okay sir.." Wika sabay kuskos ng aking mga mata.

Oo ,okay lang talaga sir. Kung di lang talaga ikaw ang amo ko at di ka lang ubod ng gwapo ,baka nabasag ko na ang itlog mo!Nakakainis.

"Good. And oh,by the way, may tulo laway ka.." seryoso nitong sabi sakin.

Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon