Kabanata 18

1K 22 7
                                    

This chapter is not Edited ʘ⁠‿⁠ʘ



LARA

Isang linggo na matapos ang party na dinaluhan namin,isang linggo na rin ang nakalipas nang pagsaluhan namin ni sir Kenzo ang isang gabi na iyon.


Sa loob ng isang linggong iyon, wala kaming ginawa kung hindi mag iwasang dalawa. Parehas naming hindi kayang matitigan ang isa't isa,madalang na ako nitong utusan at  tawagin,ni hindi na rin halos nagtatagpo ang mga landas namin. Kapag nagkikita naman kami ay para lamang akong hangin sa kanya.



Hindi ko siya masisisi,matapos ba naman ang nangyari,sinong hindi maiilang lalo na at wala namang pag-ibig ang namagitan ng mga oras na iyon?



Napabuntong hininga ako , sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin matapos ang paglilinis ko ng buong mansyon para makalimutan ko ang lahat.


Nakaramdam na ako ng pagod  kaya napaupo ako sa malambot na sofa.Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa dingding at doo'y nalaman ko na mag aalas-otso na ng gabi. Wala pa rin si sir, karaniwang dumadating iyon mga ala-sais o ala-siete,nag- overtime kaya siya? O , may kasamang ibang babae?



Si Fatima?


Napanguso ako sa mga iniisip.Ano naman ngayon kong mag overtime ito? O may kasamang babae ? Anong karapatan ko? Wala akong pakialaman dapat doon hindi ba? Isang gabi lang naman kaming nagkasama, may nangyari samin ,pero wala siya sa katinuan noon,nasaniban ng espiritu ng alak . At isa pa,hindi ako ang nasa isip niya.



Sa buong linggo na iyon,ginawa kong busy ang sarili ko para makalimot. Pero hindi pa rin sapat,mas malakas ang impluwensya sa akin ni sir. Paulit ulit kong naaalala ang gabing iyon ,kung paano siya gumalaw,kung paano niya ako halikan at kung paano siya umungol. Paano ko makakalimutan kung ang bawat sulok ng malaking mansyon na ito ay nagpapaalala sa akin ng isang Kenzo Villanueva?




Biglang nag init ang aking mukha ng biglang pumasok sa aking isip ang mga nangyari.Hinding hindi ko ito makakalimutan ,kahit kailan. At sa aminin ko man o hindi, hinahanap hanap ko iyon,gusto ko ulit maranasan.



Napapikit ako ng mariin.



"Hay,nako Lara ! Itigil mo na iyang mga iniisip mo.." daing ko sa aking sarili at saka marahan na hinilot ang aking noo.



" O , bakit Lara,masakit ba ang ulo mo?" Tanong sa akin ni aling Kusing na bigla na lamang sumulpot sa aking likuran.



Napatayo ako ng bigla ," Ay,hindi po, nagpapahinga lang po saglit."


"Aba'y dapat ka lamang talagang magpahinga ,napapansin kong isang linggo ka ng galaw ng galaw, minsan nga ay nauubusan na ako ng trabaho," Ika nito tawa." Umupo ka nga ,bakit ka ba biglang tumayo.."



"E ,nagpahinga lang po ako kaya ako nakaupo Aling kusing."


"Ay nako ,ineng.Ayos lang iyon,sige na umupo ka na ah." Sabi nito sa akin.

Umupo muli ako sa sofa,tapos ay sumunod naman na siya,nagtabi kami.


"Nag-message sa akin ang  mama mo, gusto ka makausap,ilang araw ka na ring 'di tumatawag sa inyo .." Wika nito sa akin.



"Ay, hindi ko pa po kasi napapaayos ang  cellphone ko,pwede po bang makitawag?" Tanong ko sa kanya.

"Aba ay oo naman! Sandali at tawagan natin...Video call na lang para magkakitaan kayo." Masayang sabi nito sa akin sabay kalikot ng kanyang cellphone,mukhang mamahalin nga ito e.


Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now