Kabanata 20

1K 35 9
                                    

LARA


" You need a therapist,para mas mapabilis ang recovery mo,huwag mo namang ipagtabuyan yung mga pinapadala ko sayo .." ani ng doktor na tumingin muli kay sir,hindi pa ito katandaan pero halatang isa itong batikan.

Dahil biglaan ang pagbisita ng doktor ni sir Kenzo ngayon ,ay wala itong nagawa kung hindi harapin ito.Hindi kasi pumupunta si sir sa ospital para sa check up,kaya ang mismong doktor na ang nag adjust, rinig ko rin utos ito ng kanyang lolo sa ibang bansa.


"Therapist? I don't need them,I don't need you either, umalis ka na Dr.Perez.." Pasinghal na sabi ni sir Kenzo.

Umiling ang ang doktor saka tinanggal ang kanyang salamin,"  You're grandfather is worried, you need to get better."

"No , he's not worried! He only needs me to recover for that damn company! " galit na bulyaw ni sir kenzo.

Napasinghap ako ng mapagtanto ang bigat ng aura sa loob ng kwarto ni sir Kenzo. Halata na irita na si sir,at bakas sa mukha nito ang poot. Simula siguro noong naaksidente siya , kahit tulog siya ay nakakunot pa rin ang noo niya.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ka - depressed ang amo ko. Ang sabi naman ng doktor ay mataas ang tyansa na gumaling ito kaagad,kung tutulungan niya ang sarili niya at dedikado ito,pero sa nakikita ko ngayon ay wala akong nasisilayan ni-katiting na pag asa sa mga mata niya.


" That's not true. Nag aalala talaga siya sayo, you're his grandson. "  Malumanay na wika ng doktor.

Napangiti ng mapang asar sir ," I'm just his puppet,not his grandson. Stop this bullshit, I know you're with him,I know he told you to convince me,but not a damn chance," nanlilisik ang mga mata nito," Now get out!"

Malalakas na sigaw ang pinakawalan ni sir, bagay na ipinagkibit balikat na lamang ni dok. Narinig kong nagpakawala ito ng malalim na hininga , inaayos ang dalang mga gamit at saka tumayo.Ngunit bago umalis ay muli nitong tinapunan ng tingin si sir Kenzo.

" Hindi ka na iba sa akin,Kenzo,I care about you...So please , magpagaling ka. I will come again,I hope the next time I see you, you're better." Ika niya saka naglakad papalapit sa akin," Hindi niya tinatanggap ang mga nurses or therapists na pinapadala ko, so for now take care of him."

"O-opo." Pag sang ayon ko.

"Good." Huling salita nito bago tuluyang umalis .

Muli kaming naiwan ni sir sa loob ng kwarto.Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin.Habang ako ,hindi ko alam kung ano ang gagawin,siya naman ay malayo ang tingin sa labas ng kanyang balkonahe,malalim ang iniisip.

Ano kayang iniisip niya? Paanong ang isang bilyonaryong gwapo na ito ay nawawalan ng pag asa? Gagaling naman siya at makakalakad uli, bakit ang hirap niyang kumbinsihin?

"S-sir, g-gusto niyo po bang kumain?" Tanong ko sa kanya,ngunit hindi ito natinag.

Parang walang tao sa loob ng kwarto niya,hindi niya ako pinapansin.


Ilang minuto na ang lumipas,hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni sir,nakatingin  pa rin ito sa malayo. Ganoon pa man ,hindi ako umalis,baka sakaling kailanganin niya ako.


Napasulyap ako sa wall clock nito at napansin kong oras na rin pala ng inom nito ng gamot. Buti na lang ay naihanda ko na ito kanina bago pa man bumisita ang doktor. Lumapit ako mini table nito katabi ng kanyang kama kung saan naroroon ang gamot at tubig niya.


"S-sir,oras na po uli ng pag inom ng gamot." Ani ko sabay alok ng tableta sa kanya.


"I don't need that." Tipid ma responde nito ,ni hindi ako nito tinignan.

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now