Kabanata 23

693 14 1
                                    

This chapter is not Edited!!




LARA


Napapungas ako ng aking mga mata ,naalimpungatan kasi ako. Nang buksan ko ang aking mga mata ,napagtanto ko na nasa kotse pala ako ngayon kasama si sir Kenzo na nakaupo sa likuran at kuya Romeo na siya namang nagda-drive ,ako naman ay katabi ni kuya Romeo. Naalala ko ,maaga nga pala kami umalis kanina kasi nga may pupuntahan nga daw kami ni sir ,hindi naman niya sa akin sinabi kung saan dahil surpresa daw, maging si kuya Romeo ay tikom ang bibig.

Pero dahil ayaw naman nila sabihin, hinayaan ko na lang, sorpresa nga hindi ba?

Nasaan na nga ba kami?

Napasilip ako sa bintana at napansin kong ang tinatahak naming daan ay napaka haba , tapos puro puno ,napataas din ang aking kilay ng mapansing wala kaming kasabay na kahit isang sasakyan dito aa kalsada.

"Nasaan na tayo kuya ?" Bulong ko kay Kuya Romeo, bumulong lang ako dahil baka isipin ni sir ay masyado akong naiinip kaya tanong ako ng tanong.

" Ah ,nandito na tayo sa isa sa mga private resort ng mga Villanueva." Sagot niya sa akin.

Napanglakhan ko siya ng mga mata." A-ano? Sa kanila ito? "

" Aba ay oo, nagtaka ka pa talaga ,e napaka yaman at maimplwensya ang mga Villanueva." Nangingiti niyang sambit sa akin.

Napabuntong hininga ako ,oo nga pala , bakit nga ba ako nagtataka? Tsk.

Palihim kong sinilip si sir Kenzo na noo' y busy sa kanyang cellphone. Bahagya pa ngang kumunot ang noo nito. Bakit kaya? Tungkol kaya sa trabaho niya? Matagal tagal na rin kasi siyang nasa bahay lang , malamang ay tambak na siya ng maraming gawain,Napanguso tuloy ako , kahit mayaman talaga may problema pa rin .Dapat hindi niya muna isipin ang kompanya niya , dapat mas focus siya sa pagpapagaling .

Hindi ko naman masabi sa kanya ang mga bagay na iyon kasi baka isipin niyang masyado naman na akong nangingialam.

" I know Iknow , I am beautiful ,Lara..But stop staring at me." Biglang sabi ni Sir ,kahit na nasa kanyang cellphone ang mga mata niya.

Agad akong namula sa sinabi niya ,naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya? Ano ito,hindi lang mayaman ah, may superpowers pa.

" Hala sir,hindi ah! Sinilip lang po kita saglit! " Depensa ko.

"Eh? You stared at me for more than one minute, is that what you called , saglit?" Nginitian ako nito ng mapang asar saka tumingin sa akin.

Napaka literal mo naman sir! Napaiwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa kalsada.

Grr! Mapang asar talaga itong tukmol na ito!

"Malapit na ho tayo sir!" Singit ni kuya Romeo.

"Yes, ha.. Na- miss ko dito." Wika ni sir Kenzo,napansin kong binitawanan na niya ang kanyang cellphone saka tumingin sa bintana.

" Buti po naisipan niyo ulit na pumunta dito." Ani kuya Romeo.

" My doctor said I need fresh air, and I agreed, for my own good,I guess." Tugon niya.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa hanggang sa mapansin kong nasa harap na kami ng malaking gate. Otomatikong bumukas iyon , nang pumasok kami ay halos tumigil ang paghinga ko !

Beach! Nasa beach kami! Napanganga na lang talaga ako.

" Hey , baka mahanginan ka at hindi na bumalik ang bibig mo sa dati ." Biro sa akin ni sir Kenzo.

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now