Kabanata 8

1K 24 0
                                    

LARA



6:30 na ng gabi, naghahanda kami ngayon ng hapunan ni sir Kenzo, na noo'y nasa kanyang kawarto pa. Si Chester naman ay agad na ring nagpaalam na uuwi na muna sa kanyang tinutuluyang condo.

Base sa nakita ko, may mali. May mali sa pagitan ng dalawang magkapatid. Ayaw kong mangialam pero nacu-curious ako. Gusto ko rin namang magtanong kay Aling Kusing kaso simula kanina ay tahimik lang ito, parang apektado rin ito sa tensyon nila Chester at Kenzo, kaya minabuti ko na lang na hindi magsalita at tapusin kung anong ginagawa namin.

"Lara.. " mahinang tawag sa akin ni Aling Kusing.

Nilingon ko ito at ngmiti. "Ano ho iyon? "

"Pwede mo bang tawagin si sir? Nakahanda na kamo ang hapag. " Marahang utos nito sa akin.

Napangiti ako ng pilit sa kanya at nalakad na patungo sa kawarto ng aking amo. Ngunit bago iyon ay nagkanda- hingal hingal pa ako sa pag akyat ng hagdan dahil tunay na napaka haba nito, magsisilakihan talaga ang mga binti ko nito hay.

Nang sandaling makaakyat na ako sa pangalawang palapag ay dineretso ko ang kawarto ni sir Kenzo. Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot.

Naka ilang katok at tawag pa ako ngunit wala talaga. Sinubukan ko nalang pihitin ang door knob kung maari itong mabuksan at oo, bukas nga ito.

Napagdesisyunan kong pumasok nalang, hindi naman sa pumapasok ako ng walang paalam pero gusto ko lang makasiguro sa kung anong ginagawa nito upang masabi ko kay aling kusing kung sakaling magtanong.

Mula sa pinto ay hindi ako lumagpas ng isang hakbang pa, sinilip ko lamang kung nasaan ba ito at natanaw ko nga ito sa kayang balkonahe. Nakaupo ito nnaninigarilyo, napakagat ako ng labi ng mapansing wala itong suot pang itaas, tanaw na tanaw ko mula dito sa kinakatayuan ko ang malaking katawan nito. Kahit na ang lampshade lamang ang ilaw ng kwartong ito ay hindi naging hadlang upang hindi ko magisnan ang nakaka uhaw na pangangatawan nito, nakakadagdag din ng atraksyon ang liwanag na nanggagaling mula sa buwan na noo'y nagbigay linaw sa ekspresyon ng mukha ni sir Kenzo.

Napansin ko ring bukod sa paninigarilyo ay umiinom din ito, at tila malalim ang iniisip.

May kinalaman kaya ito kay Chester?

Umiling iling na lang ako dahil sa pagiging chismosa ko at panghihimasok sa buhay ng iba. Ngayon alam ko naman na ang ginagawa niya ay minabuti ko na lang na huwag siyang istorbohin at nagtangka nang umalis.

"Why are you here? " Malamig na boses ang ang aking narinig mula sa balkonahe, at si sir Kenzo iyon.

Napapitlag ako ng malamang nalaman pala nito na nandito ako sa kanyang kwarto. Halos manigas ako dahil nahuli ako nito, baka kung anong isipin nito sa akin!

"Ah-ah, pasensya na po sa pagpasok sir, e-eh kasi po kanina pa kasi ako kumakatok, hindi po kayo sumasagot, a-at kaya po pala nandito ako kasi pinapasabi ni Aling Kusing na handa na daw po ang kakain niyo sa dining room. " paliwanag ko dito.

"Ah, yeah,wala akong ganang kumain ngayon. " tipid at walang emosyong tugon nito pagkatapos ay hinithit ang kanyang sigarilyo.

Sa narinig ay biglang nagsalubong ang kilay ko. Pinagluto sya ni Aling Kusing tapos ganito lang ang sasabihin niya? Wala siyang gana?

Gusto ko siyang pagsabihan, pero amo ko sya kaya wala akong karapatan. Sinarili ko na lamang ang inis ko. Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga.

"Ah sige po, enjoy your night sir. " Sabi ko sabay tangka ng aalis ng bigla aki nitong tawagin.

"Hey.. " pigil nito.

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now