Kabanata 19

871 25 2
                                    


This chapter is not edited ꒰⁠⑅⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠꒱⁠˖⁠♡


LARA



"Lara ,bilisan mo diyan sa pag aayos ng kwarto ni sir,paparating na raw iyon.Huling chat sa akin ni Kuya Romeo mo e napaka bad mood daw," Pagmamadaling sabi ni Aling Kusing.

"O-opo, malapit na po.." paninigurado ko sa kanya.

"O siya,mauuna na ako at ihahanda ko pa ang hapag." Ika niya sa akin sabay alis.

Nag aagaw na ang dilim ang liwanag sa labas, malapit ng mag gabi. Kani-kanina lang namin nalaman ni Aling Kusing na pauwi na pala si sir Kenzo.

Isang linggo ring namalagi sa ospital ang aking amo,naaksidente raw ito habang nagmamaneho at may implewensya pa ng alak.Bumangga ang sasakyan nito sa isang malaking puno,at nagkaroon ng serious injury sa kanyang kanang tuhod,ayon kay aling Kusing hindi raw ito makakalakad pansamantala.

Nang marinig ko iyon ,lubos akong nalungkot at naawa kay sir Kenzo.

Naalala ko tuloy kung paano ako nanlambot ng marinig ko ang balita na naaksidente ito.Hindi ko maipaliwanag ang nadama ko, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga nang maisip kong may mangyaring masama dito . Gusto ko siyang puntahan at makita ,pero si Aling Kusing lamang ang pinapunta roon sa ospital.Abot abot ang dasal ko na nawa sana'y maging maayos siya at ligtas.

Hangga't hindi ko nalalaman na ayos na si sir,hindi ako tumigil sa pagtawag sa diyos,ni hindi rin tumigil ang luha ko sa kakaiyak. Natakot ako na baka mawala siya,sobra.

Ngayon, pauwi na siya,sisiguraduhin kong aasikasuhin ko siya , tutulungan ko siyang gumaling at aalalayan ko ito. Gagampanan ko ng maigi ang trabahong ibinigay niya sa akin, ang pagiging personal maid niya.

Huminga ako ng malalalim.Nagpatuloy ako sa pag lilinis ,at siniguro kong walang alikabok at kalat ang paligid.

Nang matapos ay agad akong bumaba sa hapagkainan upang tulungan si Aling Kusing,naabutan ko siyang nag-hahain ng dinuguan.

"Ang bango naman niyan !" Masaya kong bungad sa kanya.

Ngumiti ito sa akin,"Aba'y syempre naman ,sinarapan ko ito dahil isa ito sa mga paborito ni sir Kenzo."

Namangha ako sa nalaman."Talaga po? Dinuguan?"

"Oo,noong bata ito, unang beses ko itong niluto rito sa mansyon para lang sana sa aking sarili, pero noong natikman iyon ng amo natin ay talagang hinanap-hanap niya!" Pagmamalaki niya.

"Masarap po kasi kayong magluto," sambit ko sa kanya," tulungan ko na po kayo."

"Sige anak, pahanda na lang ng orange juice."

Tumango ako sa kanya at saka mabilisang ginawa ang juice. Naging busy kami parehas , para kaming turompo sa kakaikot kung saan saan. Para kasing fiesta dahil sa dami ng putahe sa lamesa.

Sana magustuhan ito ni sir..

Ilang minuto ang lumipas,may narinig kaming busina sa labas,tanda iyon na narito na si sir Kenzo.

Nagkatinginan kami ni Aling Kusing at tila ba parehas kami ng inisip, sabay kaming nagmadali na lumabas at doon ay inabangan namin ang amo namin.

Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaba at excitement.Aaminim ko na miss na miss ko na siya kaya hindi ko maiwasang magalak na nandito na siya. Habang palapit ng palapit ang sasakyan nila ay siyang kalabog ng puso ko.

Nang huminto ang sasakyan sa amin ay agad na bumaba si Kuya Romeo at dumeretso sa compartment sa likod ng  sasakyan,kinuha nito ang wheel chair.  Inayos niya iyon at binuksan ang pintuan para kay sir Kenzo.

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now