PROLOGO

3K 59 0
                                    

LARA

"ALING Kusing, nandito na po ako sa lugar na sinabi n'yo, nasaan na po kayo?" Palingon-lingon kong tanong habang kinakausap si Aling Kusing sa kabilang linya ng aking cellphone.

"Ay hija,sandali lang ha? May inuutos lang sa akin si sir, puntahan kita d'yan ha?Hintayin mo ako." Sagot nito.

"Sige po, hintayin ko po kayo,maraming salamat po!" Masaya kong turan sa kanya.Nagpaalaman na kami at s'ya na ang nagbaba ng linya.

Umupo ako sa upuan dito sa isang waiting shed,ito kasi ang napag usapan naming lugar ni Aling Kusing kung saan magkikita.

Iginala ko ang aking paningin upang makita ang detalye ng lugar na kinaaapakan ko.Masyado akong naninibago,napaka tataas ng mga bahay dito, ni wala pa sa kalingkingan ng bahay namin.Napaka engrande din ng mga desenyo na tila ba mga palasyo ang mga higanteng bahay na nakapaligid sa akin.

Ako si Lara, bente-tres anyos,at hindi ako tiga dito, nanggaling pa ako sa Carigara,Leyte kung saan talaga ako nakatira.Ibang iba ang senario ng lugar na ito kung para sa aming bayan,masyadong nakakamangha ni halos ayaw ng kumurap ng aking mga mata.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko, sana ,ganito kami kayaman,sana ganito rin ang aming tirahan.

Pero napangiti na lang ako ng mapait.Alam kong ni kailanman ay malabo ko itong makamit, malabong mangyari ang mga hinihiling ko.Mahirap lang kami, hindi rin ako nakapagtapos, may mga kapatid pa ako at magulang.Kaya nga ako nandito sa Maynila para kahit papaano ay matustusan at mas matulungan ko sila ng pinansyal.

Buti na lang at may kaibigan si Mama dito at matagal ng nagtatrabaho,yun ay si Aling Kusing.Agad n'ya akong tinawagan nang biglaang nagkabakante sa pinagtatrabahuhan n'ya.Ipapasok n'ya ako doon bilang isang kasambahay.

Para sa akin ay isa na itong magandang oportunidad dahil sa panahon ngayon ay napakahirap ng maghanap ng trabaho,lalo na sa katulad ko na hindi nakapagtapos.

Makapag aral, yan talaga ang pangarap ko Gusto kong makapagtapos,gusto kong maabot ang mga pangarap ko.Pero ng dahil sa kahirapan, napilitan akong huminto at magtrabaho.

Hininto ko nalang ang pag iisip dahil pakiramdam ko kahit ano mang oras ay tutulo ang aking luha.

" Hayyy..." ani ko sabay upo sa mahabang upuan dito sa waiting shed.

Tumingin ako ng oras sa aking cellphone, maggagabi na pala, mag-a-alasais na pala wala pa rin si Aling kusing. Sinubukan ko ulit itong tawagan ,pero cannot be reached na ito.Inisip ko na lamang ay baka nga may ginagawa ito kaya medyo natatagalan.Napagdisisyunan ko na lang na tumayo mula sa kinauupuan ko at mag lakad ng kaunti para malibang ang sarili.

Habang nag lalakad ay umihip ang malamig na hangin at napayakap ako sa sarili ko sabay gala ng paningin ko sa mga naglalakihang mansyon.Kung andito ang mga kapatid ko ay malamang , matutulala ang mga iyon sa ganda ng mga bahay na ito.Napangiti ako ng mapait.Kung sana lang ay nakatira kami sa loob ng magagarbong bahay na ito , wala sana akong problema.Oo nga, andito ako ngayon at titira sa isa sa mga mansyon na ito ,pero bilang isang tigasilbi lang ,hanggang doon na lang siguro ako.

Napasapo na lang ako sa aking ulo, " Ano ba itong mga naiisip ko?" Sabi ko sa aking sarili.

Di ako umaasa ,pero di naman sigurong masama na mangarap,kaya patuloy pa rin akong mangangarap , nabubuhay pa naman ako, ayaw kong huminto lang dito hanggat maaari.

Naglabas ako ng malalim na hininga,kasabay noon ay pagtanto ko na nakalayo na pala ako masyado mula sa tagpuan namin ni Aling kusing!

Napahinto ako at siniyasat ang paligid,Naku po! Nasaan ako? Bakit di ko maalala kung saan ako nanggaling?

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now