Kabanata 15

947 22 2
                                    

This Chapter is not Edited ಥ⁠_⁠ಥ

LARA



"F-Fatima.."

Kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan na iyon sa bibig ni sir Kenzo.Alam ko na ito ang sinasabi ni sir Sebastien na sinusundan ng aking amo.At kitang kita ko kung paano titigan ni sir Kenzo ang babae,kakaiba.

Dati niya siguro itong girlfriend?

Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa aking dibdib.Nasasaktan ako sa mga iniisip ko,pero wala naman dapat akong pakialam sa mga babae niya o ex man ,wala akong karapatan.

"Kamusta?" Tanong ni Fatima sa aking amo.

Napansin kong napalunok si sir Kenzo," A-ayos lang...Have a seat please." tumayo ito at saka inalok ang ang isang upuang kaharap ko para paupuin si Fatima.

"Thank you so much,Kenzo."Aniya at umupo ito sa upuang inalok ni sir.

Si sir Kenzo nama'y bumalik sa kanyang upuan at tinawag ang waiter .Nagpaserve ito ng wine para kay Fatima na agad namang tinanggap ng babae.

"It's been a while,huh.. You're looking great, beautiful as always." Puri ng aking amo sa kanya.

Okay...Sobra na akong nasasaktan ,hindi na maganda ito.

"Oh, thanks,by the way , I'm with Chester.Pumunta lang siya ng restroom but I'm sure na pabalik na iyon." Saad ni Fatima sabay inom ng kanyang wine.

Nabigla ako ng malamang nandito si Chester,pero tila mas nagulat si sir Kenzo.Bakas sa mukha nito ang inis. Kanina lang ay parang bata ito na nakita ang kanyang paboritong laruan,ngayon ay parang aagawan na. Ano bang meron?

Ngumiti ng bahagya sir sa kanya," Ofcourse, you're with him ,anong bago?"

"I hope it's fine with you." Turan ni Fatima.

Gumanti lang ng pekeng ngiti ang aking amo saka nilagok ng deretso ang kanyang alak.

Sa tingin ko ,nagseselos si sir kay Chester,nababasa ko ang sitwasyon.Pero itong si Fatima,sila ba ni Chester?

Ilang saglit ang lumipas ,napansin kong patungo na si Chester sa kinauupuan namin..Napaka gwapo nito sa suot na gray suit ,partneran pa ng itim na slacks.Nakaayos ang buhok at hindi nawawalan ng ngiti sa labi nito ,lalo tuloy s'yang nakakaagaw ng atensyon sa mga kababaihan ,nagsisibalian ang mga leeg ng mga nakakakita sa kanya,sinusundan talaga siya ng tingin.

"Hey,Ches! Ang tagal mo." Tawag ni Fatima Kay Chester.

Biglang nawala ang mga ngiti nito nang sandaling makarating siya sa lamesa namin," Medyo nahirapan akong hanapin ka," ika nito at napatingin kay Sir Kenzo,na noo'y matalim ang tingin sa kanya," Good to see you ,brother."

"Yeah, whatever..fuck." sarkastikong banat nito sa kanya.Muling tinawag ni sir Kenzo ang waiter at inutos nito na punuin na ng wine ang kanyang baso,sinunod naman ito ng waiter .

Napanguso ako habang pinapanood ko ang aking amo na nalulunod sa selos,mukhang mahal niya talaga ang babaeng ito.Hindi ko maiwasang maikumpara ang sarili ko kay Fatima,walang wala ako ni sa kalingkingan.Ganda man,estado o pinagaralan,wala talaga.Saka mukhang mabait ito,malumanay magsalita,mayumi,kumbaga full pakage na , sinong hindi mahuhulog sa isang tulad niya?

"Oh?Lara?" Tawag sa akin ni Chester nang sandaling mapansin niya ako," You're here?Wow, you...are so beautiful,hindi kita nakilala." Masaya ang tono nito.

"A-ah ,oo.." napatawa ako ng bahagya,nag init din ang mukha ko sa puri niya.

Umupo si Chester sa natirang upuan at hinarap ako. " So you're his date tonight huh."

Maid For The BILLIONAIRE Where stories live. Discover now