Kabanata 22

955 23 7
                                    

This chapter is not Edited huhu  (⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)


LARA




Isang linggo matapos ng pag uusap namin ni sir Kenzo ay nakita ko na agad ang  pagbabago nito. Regular na siyang umiinom ng gamot ,kusa na rin itong kumakain sa tamang oras, pumayag na rin itong magpa- therapy.


Dahil nga sa pagpupursige nito ay makikitaan mo na sya ng improvements,hindi man malaki ,atleast merong nakikita. Sabi rin naman ng therapist niya ,konting kembot na lang at makakalakad na siya ulit,hindi na daw iyon magtatagal basta sunod sunod lang ang therapy at mga gamot.



Sa ugali naman , bumalik na siya sa dati, at syempre yung pagiging manyak hindi na maaalis 'yon sa kanya,hay. Pero inintindi ko na lang talaga,syempre.


Tinawag nga pala ako ngayon ni sir Kenzo ,ewan ko kung bakit ,pero syempre kailangan kong pumunta.Nang nasa harap na ako ng kawarto nito,tulad ng kinaugalian  ay kumatok muna ako bago pumasok.


Pagpasok ay naabutan ko itong nakaupo na sa kanyang wheel chair , otomatikong nanglaki ang mga mata ko sa nakita.


"Sir? Sinong nagsakay sa inyo sa wheel chair?!" Nag aalala kong tanong sa kanya saka mabilis tinungo ito.


" Uh, I did it myself." Nakangiting sabi niya.


Pinagtaasan ko ito ng kilay." I-ikaw sir?"

"Yes, see,kaya ko na haha!" Pagmamayabang nito sa akin.

"Ay nako sir ha,ginagawa mo iyan ng mag isa lang ,paano kung mapasama? Sa susunod sir ,tatawagin mo ako ha ,o k-kaya sila aling kusing...K-kasi---"


"Hey, easy.." pigil nito sa akin saka napatawa pa," Nag aalala ka ba?"


Napasimangot ako.Bigla tuloy akong namula sa naging reaksyon ko, parang masyado naman akong obvious ,baka isipin ni sir na gustong- gusto ko siya kahit totoo naman.


"A-aba ay oo sir , kahit sila aling kusing naman siguro ay mag aalala rin hindi ba?" Pagdadahilan ko.


Tumango tango ito pero nagpakita ng pilyong ngiti ,tila ba sinasabi nito sa akin na nagdadahilan lang ako.


" Ah, nga pala. I want you to help me,uhm only if it's fine with you." Nahihiyang wika sa akin.


"A-ano po yun?" Turan ko sa kanya.


Kumagat muna ito sa labi bago magsalita muli," Ahitan mo naman ako."


Kumurap ako ng ilang beses sa kanya, " A-ahitan?! Saan?"

Tumaas ang mga kilay nito saka binigyan ako ng nakakalokong tingin," here.." turo niya sa kanyang ibaba slash busog na pagkalalaki.


Nag init ang mukha ko , seryoso ba siya?! Malamang ay pulang pula na ako ,tumatawa na siya eh.


"A-ano ba sir..."  Medyo inis kong sambit.


"Haha, ikaw naman kasi ,nagtanong ka kung saan ,malamang dito sa balbas at bigote ko ,as if namang ipapaahit ko sayo ito!" Asar niya sa akin," gusto mo ba?"


"A-ay nako sir ha,kina- klaro ko lang naman hmmp!"


Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit ko natanong na 'saan?' e malamang nga naman sa bigote o balbas lamang iyon,dala siguro ng pagkataranta ko. E bakit pa kasi siya sa akin magpapa-ahit?


"Eh bakit sakin ka papaahit sir? " tanong ko sa kanya.


Nagkibit balikat ito sakin saka malagkit akong tinignan sa mga mata." I just wanna have time with you.."


Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon