Kabanata 17

1K 45 14
                                    

#ILBrokenVow

King's Point of View

Hinagod ko ang buhok ko sa sobrang stress na nararamdaman ko. Bumuntong hininga ako bago pumasok ng bahay. My wife will ask me a lot of question for leaving too early. Of course, there's no way I'm going to admit where I have been. Starting the day that Clarity told me that I impregnate her is the day that my life starts to become helpless.

Pagpasok ko ay naabutan ko si Queen at Eleonore na nanunuod sa living room. Si Eleonore ay may hawak na bowl ng pop corn habang tuwang-tuwa sa pinanuod. Samantalang si Queen ay tahimik lamang na nakatitig sa t.v.

Napalingon saakin si Eleonore nang makita niya ako kaya dali-dali niyang binitawan ang hawak niya at tumakbo papunta saakin. Doon lamang naagaw ang atensyon ni Queen at tumayo.

"Daddy! You're home."

"Kuya."

Binuhat ko si Eleonore at hinalikan sa pisngi. She giggled and play my hair. Humalik naman si Queen sa pisngi ko at hinalikan ko siya sa noo pabalik.

"Saan ka galing? Ang aga mong umalis kanina."

"Hospital. Sinugod si Clarity kanina roon and I have to be there."

Napailing ng ulo si Queen at bumalik sa upuan. Ibinaba ko naman si Eleonore at hinanap sa kanila si Margarette. Wala kasi sa living room. Dito ang gustong tambayan non bukod sa kusina. She really bloated times 3 of her size. But, doesn't matter. I love her.

"Where's Margarette?"

Tumingin saakin si Queen at tinaasan ako ng kilay. Unti-unti ring umarko ang kilay ko sa sinagot niya saakin.

"Hindi ba nagpaalam sayo?"

"Nagpaalam na ano?"

"She's out. May dadalawin daw siyang kaibigan sa ospital."

"And you let her?!"

Sigaw ko sa kanya. Halata namang nagulat silang dalawa ni Eleonore sa sigaw ko. Pati na rin si mommy na kakapasok lang na sa tingin ko ay galing sa hardin.

"What's happening here? Teka. Nasaan si MJ?"

"I thought she asked you that she's going out! Wag akong sisihin mo dito! Ikaw ang wala at hindi na binabantayan ang asawa't anak mo!"

"But you shouldn't let her! Alam mong may usapan tayo!"

"Stop the two of you."

"Ano bang tingin mo kay ate MJ?! Hindi kaya ang sarili?! Pagkatiwalaan mo naman ang asawa mo. Yan ang kulang sa'yo e. Pagtitiwala sa kanya. Tingin mo sa kanya lagi, mahina."

"Anong sabi mo?"

Lalong umalab ang nararamdaman kong galit ng dahil sa sinabi niya. Sasaktan ko sana siya ngunit buti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko at kinuyom ko ang kamao ko.

Nagsusukatan kami ng tingin. Never in our entire life na nagkasagutan kami ng kapatid ko ng ganito. I never knew that she will tell me those words.

"Hindi ba kayo pinigil ng mommy niyo? Sa harap pa kayo ng bata nag-away. Mahiya kayo. Imbis na nagsisisihan kayo, hanapin niyo. Saan daw siya pupunta?"

Malamig na tugon saamin ni daddy habang inaalo si Eleonore na umiiyak. She never seen us fighting. She entered this world with happiness. She's new to this.

"St. Luke's hospital. She's go--"

"She's where?!"

"St. Luke's. May bibisitahin daw siyang kaibigan."

I LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon