Kabanata 12

684 28 3
                                    

#ILThePromise

Naiinip na ba kayo? Ako rin.

Dauntless' Point of View

Masaya akong nakarating ako sa stage ko na to ng buhay. Wala naman kasing kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang ba tayo sa mundo. Pero sa estado ko ngayon, masasabi kong masaya ako dahil unti-unti kong nakita ang mga anak ko na lumaki ng maayos.

Natutuwa akong makita na mayroon ng isang anak ang panganay kong gwapong anak na si King. Noon palang, boto na talaga ako sa asawa niyang si MJ. Sobrang bait naman kasi ng batang iyon. Kaya sino ba namang makakatanggi at hindi siya tanggapin sa pamilya hindi ba? Tapos ngayon nga ay nagkaroon pa sila ng Eleonore sa buhay na nakapagpadagdag ng kulay sa mga buhay namin.

Pero hindi ako pwedeng magpaalam sa mundo na to na hindi ko nakikitang ikasal ang bunso kong anak sa nag-iisang lalaking minahal niya. Lalong hindi ako makakapayag na hindi ko siya makikita na magbubuntis sa unang anak niya. We don't rush Queen and Troi to get married. But as soon as possible, I want them to settle down. Because who knows what might be tomorrow come? No one can say. Only Him. Kaya sana, hanggang nandito pa kaming mag-asawa, magpakasal na sila at bigyan na kami ng apo.

Iniayos ko ang salamin na suot ko at naglakad patungong gripo upang patayin. Tapos na kasi akong magdilig ng mga halaman at baka malunod. Ito na lang din naman kasi ang napagkakaabalahan ko sa buhay dahil ang gusto ni Dwayne ay dito na lang ako.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko ang kapatid kong si Dynamite na natutulog sa sofa at mukhang nakatulugan ang pinanunuod niya. Napabuntong hininga ako at nilapitan ko ito para lagyan ng unan ang ulo at patayin ang tv.

Ang kapatid ko. May anak na lahat-lahat, isa ng abogado lahat-lahat, puro pa rin kalokohan ang ginagawa sa buhay.  Sino bang mag-aakala na ang abogado na to ay hiwalay sa asawa? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya inayos ang relasyon niya sa asawa niya. Samantalang mahal na mahal niya iyon at umiyak pa sa harap namin nina mommy na gusto niyang pakasalan ang asawa niya. Pero nauwi rin naman sa hiwalayan.

Naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni Tere at sabihing may bisita ako. Kumunot ang noo ko at inisip kung mayroon ba akong inimbitahan. Pero nang sabihin saakin ni Tere na sina Mara ang bisita ko ay agad ko siyang sinabihan na papasukin ito.

"Sa garden mo na siguro patuluyin, Tere. Para hindi na rin maistorbo si Dynamite. Kukuha lang ako ng maiinom namin."

"Sige ate."

Nagtimpla lamang ako ng tsa-a para saamin at kumuha ng tinapay sa ref. Tapos ay binitbit ko ito patungong hardin. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko dahil may makakausap na naman ako. Lately kasi ay wala akong masyadong nakakasama dito sa bahay bukod kay Tere at Eleonore dahil si Dwayne ay busy sa ospital at busy sa retirement niya. Malapit-lapit na rin kasi siyang magretired. Si Queen naman ay nagpuntang HongKong kasama si Troi dahil nagcelebrate sila ng birthday ni Troi doon. Habang si King, pauwi pa lamang sila mamayang gabi.

Nang madatnan ko si Mara ay parang wala ito sa sarili at mukhang malalim ang iniisip. Hindi nga ata niya napansin na nasa gilid na niya ko. Kung hindi ko siya tinawag ay baka hindi kami magkapansinang dalawa.

"Mara."

"Uy. Dauntless."

Ngumiti ako sa kanya at naupo sa kabilang upuan. Ano kayang dahilan ng biglaan niyang pagpunta dito? Madalas kasi ay nagsasabi siya kapag pupunta siya.

"Napadaan ka? Hindi ka nagsabi ngayon ah."

Natatawa kong pahiwatig at pati siya ay natawa. Pero yung tawang hindi umabot sa tenga niya katulad ng mga tawa niya noon.

I LearnedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu