Kabanata 7

942 43 5
                                    

#ILTheTruth

Clarity's Point Of View

Pagod akong umuwi sa bahay dahil hindi pinalagpas ni King ang ara na 'to na tambakan ako ng gawain pagtapos naming mag-usap.

I am pissed the whole day. I mean, yes. It's my job to do. Pero yung ipaseparate niya saakin yung mga papers from 3 years from now, which is ok naman, is that really necessary? Tapos absent pa siye the other day dahil uuwi na si MJ. Tsk.

"Late na, 'nak ah. Saan ka ba galing?"

Tanong ni mama ng pumasok siya sa salas at naabutan akong namamahinga roon dahil hindi ko ata kakayaning tumaas ng kwarto para makatulog.

"Sa office, ma. Marami lang pong trabaho."

Tumango siya at nagpaalam na pupunta muling kusina para tapusin ang niluluto at makakain na kami. Sakto naman ay pumasok si Chase galing sa labas. Mukhang ngayon lang din nakauwi galing sa trabaho.

"Good evening, bunso."

Tumango lang siya at nagdire-diretso sa hagdanan. Napabuntong hininga ako at napasandal muli sa sofa.

Mula nang umuwi ako rito sa Pilipinas, ni hindi pa ako kinakausap ni Chase ng matino. Magdadalawang buwan na ko rito pero hindi ko maramdaman na welcome ako sa kanya. Parang si mama lang ang masaya na nandito ako, samantalang siya, madalas akong itratong parang hangin.

Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero wala akong lakas ng loob na gawin yon. And afraid to hear everything. Yung katotohanan na maisasampal niya saakin lahat ng ginawa ko sa mga nakalipas na taon.

"Nandyan na si Chase di ba? Tawagin mo na at kakain na tayo."

Binitbit ko ang mga gamit ko at tumaas sa taas. Kumatok ako sa kwarto niya para ipaalam na kakain na kami ng dinner.

"Bunso, baba na raw. Kakain na raw tayo."

"Ok."

Sabi niya mula sa loob. Muli, napabuntong hininga ako at pumasok sa kwarto ko para magpalit ng pambahay.

"Chase, ilang buwan na nga lang tong bahay natin? Malapit na tayong matapos sa paghuhulog nito di ba?"

"Opo. Tatlong buwan na lang, mama. Mag-iiwan ako ng pera bukas para ipanghulog. Pakidala sa bangko, ma. Hindi ko kasi maidadaan bukas. Maraming gagawin sa office."

"Ay, sige anak. Walang problema."

Sagot ni mama kay Chase. "Uhm, magkano ba hinuhulog niyo sa bahay?"

Gusto ko sanang tumulong kay Chase kasi sabi ni mama, halos dalawang taon na raw hinuhulugan ni Chase yung bahay. Hindi ko naman kasi alam na nagloan na pala ng bahay at lupa si Chase para sa kanila ni mama dahil hindi binanggit ni mama saakin dahil ayaw raw ipaalam ni Chase saakin. May ipon naman ako at tingin ko makakatulong para sa tatlong buwan na natitira.

"Wag mo ng itanong. Hindi rin ako humihingi ng tulong."

"Pero gusto kong tumulong."

"Sa iba ka tumulong. Hindi kami charity ni mama."

"Chase."

Suway ni mama sa kanya. Napayuko ako. Ano nga naman magiging tulong ng pera ko sa kanya? Nung wala pa siyang maayos na trabaho, napagtapos niya sarili niya. Ngayon pa kayang stable siya sa trabaho niya?

"Bakit? Halos dalawang buwan ko nang binabayaran yung bahay. Pero kahit kailan naman, hindi ako nagkulang sa'yo mama. Siguro naman hindi na mabigat saakin yung tatlong buwan."

"Gusto ko lang naman makatulong kasi tumitira na ko rito."

"So utang na loob pa namin yon kapag umalis ka? Tapos nakong kumain."

I LearnedWhere stories live. Discover now