Kabanata 11

847 28 7
                                    

#ILPlusOneOrPlusTwo?

Margarette's Point of View

"When will you come back?"

Ngumiti ako sa harap ng screen ng laptop ko at tinignan si King na papalapit saakin habang bitbit ang tray ng pagkain.

Inilapag niya ito sa likod ng laptop at tumabi sa tabi ko.

"Can't you wait baby?"

"I can't daddy. I miss you already!"

Naiiyak na sagot ni Eleonore sa daddy niya. Natawa naman si Queen na nasa tabi niya at pinunasan ang luha nito.

"Bakit nung 2 days na wala si mommy at daddy mo happy ka? Bakit ngayon umiiyak ka na?"

Biro sa kanya ng tita niya. Tuluyan ng umiyak si Eleonore habang nakatakip ang mga kamay sa mata.

"Eleonore, stop crying na. Sabi mo aa daddy big girl ka na."

"I missed you mommy and daddy. Please go home."

Iyak niya saamin at idinukdok ang ulo sa harap ng tablet niya. Nagpaalam naman si Queen na may kukunin lang saglit at babalik.

Natawa naman itong lalaki sa tabi ko at sumimsim sa kape niya.

King and I are on vacation. Hindi kasama si Eleonore dahil ayon kay King, pumayag daw ang batang bulinggit na mapag-iwan kina Queen.

Nasa plano naman talaga na kasama si Eleonore. Hindi ko lang talaga alam kung anong rason kung bakit hindi siya sumama. Alam ko kasi, super excited siyang mag-out-of-town kaming tatlo. She loves on the ride.

"Uuwian ka na lang namin ng pasalubong ni daddy. Ano bang gusto mo?"

Umangat dahan-dahan ang ulo niya at pinunasan ang mukha niya na puro luha. Pawis na pawis na rin at namumula pa ang pisngi at ilong dahil sa puti nito.

"Daddy already know what I want. He has a promised so he need to keep that!"

Natawa si King sa sagot ng anak at tumango-tango sa harap nito.

"That's for sure, baby. I'll keep my promise."

Nangunot ang noo ko sa pinagsasasabi ng mag-ama ko. Parang may usapan sila na silang dalawa lang ang nakakaalam. Ano naman kaya iyon?

"Ano yon?"

"Secret, mommy."

"May sikreto ka saakin, King Blare?"

Taas kilay kong tanong dito at pinaningkitan ng mata. Nabulunan naman siya ng kinakain niyang tinapay at kinuha mula ang kape at sumimsim dito.

"Mommy! Don't scared daddy. It's like a white lie."

Napatingin ako muli kay Eleonore na ngayon ay mukhang nakarecover na sa pagkamiss saamin. Kumakain na siya ng cookies  na dala ni Queen at may gatas sa tabi.

"So white secret, you mean?"

"You can consider like that, mommy."

"Queen?"

Tawag ko kay Queen na nagbabakasakaling may alam sa pinag-uusapan ng mag-ama kahit na alam kong malabong magshare ang dalawa.

"Nako ate. Wala akong alam dyan. Alam mo naman yang dalawang yan. Pagsecret nila, secret lang nila."

I LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon