Kabanata 10

793 36 8
                                    

#ILUnforgivableSin

"Hello, ma?"

"Yes, iha? Napatawag ka? May problema ba?"

Napatayo ako sa inuupuan ko at naglakad back and forth sa harap ng table ko habang nakahawak sa sentido ko.

"Uhm, ma.. Gusto ko lang sanang itanong, dumaan po ba si King dyan kagabi?"

"Hindi. Bakit? Di ba umattend siya roon sa annual party kagabi?"

Pagod akong naupo sa sofa sa office ko at napasandal sa headrest nito.

"Oo nga po. Kaya lang po, hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon."

Nag-aalala kong sagot. Hindi ko na kasi to kayang mag-isa kaya hihingi nako ng tulong.

"Ha? Pinuntahan mo na ba siya sa mga pwede niyang puntahan?"

"Yes po. Kagabi pa ko naghahanap, ma. Nag-aalala nako."

"Hush, there iha. Tutulong kaming humanap ng daddy mo. Calm down."

Sunod-sunod na tango ang ibinigay ko kahit na hindi naman ako nakikita ni mommy. Nagpaalam na rin ako at nagsimula na uling magtawag-tawag sa mga kaibigan o kakilala nito.

Una kong tinawagan si France pero wala pa raw siyang naririnig na ganap tungkol kay King dahil busy daw talaga siya ngayon.

Sumunod ay si Paul na isa ring engineer. Nagbakasakali ako kasi baka umattend din siya kagabi but unfortunately, he missed the party last night because he has something more important to attend than the party.

At huli si Troi na alam kong napakalaki ng posibilidad na hindi sila magkasama dahil lagi naman ng si Queen ang kasama noon. But to my surprised, he was at the party last night and seen King with a woman on a table. Hindi na raw niya ito nilapitan dahil may mga kasama rin siya from his father's side.

Tinanong ko pa siya kung namukhaan niya pero hindi na raw dahil nalasing na rin daw siya at wala ng ideya kung anong nangyari kagabi.

Ayoko sanang maghinala o kung anoman. Pero siguro naman hindi naman siya uuwi kasama ang ibang babae di ba? Hindi siya basta-basta sasama sa ibang babae dahil alam naman niyang may asawa siya.

Napabuntong hininga ako at naitukod ko na lamang ang mga siko ko sa aking binti habang nag-iisip.

This feeling won't help. If I'm going to doubt him, I know he'll get mad. He'll get frustrated and so on. Ayoko namang mag-away kami ng dahil lang sa hinala.

King's loyalty is mine.

Wala sa iba. Wala sa kahit sino.

Sa akin lang.

---

Dwayne's Point of View

"Eto, eto. Sa may camera 7. Pakizoom."

Masuri akong nakatingin sa monitor screen habang zinuzoom in ng staff yung photo sa screen.

I look closely at the monitor and recognized immediately the woman he was with.

I fished my phone on my pocket and try to call King's number while still staring at the screen.

"Please play again."

Patuloy na nagplay ang mga kuha kahapon at patuloy din akong nakamasid lang.

"The subscriber cannot be reached, please try again later."

Napamura ako sa isip ko at itinago na muli ang cellphone ko. Tinignan ko muli ang screen at napansin namin na sa camera 3 ay palabas na si King pati si Clarity.

I LearnedWhere stories live. Discover now