Chapter Eleven

147 9 0
                                    

Chapter Eleven

Yesha Point Of View

Gustong-gusto na naming lapitan si Xylie, pero hindi pwede. She need to learn her mistakes and her lessons. We're doing this because ayaw naming masaktan siya sa huli. Huli na sa akto si Jiro na niloloko niya NA NAMAN si Xylie, pero nagbubulag-bulagan lang siya.

"Lapitan na kaya natin siya? Kawawa naman siya, mag-isa niya lang doon" sabi ni Madellaine.

"No. Not now. Hindi tayo lalapit sa kanya hanggang sa malaman niya kung ano ang pagkakamali niya. Sobrang katangahan na ang meron sa kanya."

"Teh, baka namanhid na sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman niya, kaya ganyan" - Louise.

Napatingin naman sa kanilang dalawa saka tumingin kay Xylie. Manhid na ba siya? Yung mukha niya, ang loner. Puyat at maga ang mata. Hindi na siya yung dating masayahing Xylie, nang dahil sa Jiro na yan. Humanda ka sakin Jiro Sandford.

"Oh! Oy! Oy! Oy! Saan ka naman pupunta, aber?" Hinila naman ni Madellaine yung bag ko.

"Sa hell, sama ka?" Tanong ko sa kanya. Binitawan niya naman yung hawak niya sa bag ko.

"No thanks" naglakad na ako at pumunta sa kung saan man nakalugar ang lalaking yan. Una kong pinuntahan ang music room baka andun siya, pero wala. Next naman sa Gym, wala din siya. Saan kaya pumunta ang lalaking yun? Biglang may nagflashback sa isip ko.

Flashback...

"Death Anniversary ngayon ng mama ni Jiro pero hindi ako makakapunta dahil may family reunion kami" malungkot na sabi ni Xylie.

"Asan ba siya ngayon" tanong ko naman sa kanya.

"Sa cemetery kung saan nakalibing si mommy niya. Minsan, doon yung lagi niyang tambayan. Kapag wala siyang ginagawa o nalulungkot siya, doon ang puntahan niya"

End of Flashback...

Tama! Sa sementeryo kung saan nakalibing si Mommy niya. Sumakay na ako ng tricycle at pumunta sa kung saan mang sementeryo yun. Pagkadating ko, ito ba yun? Ba't parang walang tao? Nasan si Jiro? Habang naglalakad ako, may naririnig akong nagsasalita. Lumapit ako doon sa boses na yun at nakita ko si Jiro na nakaupo, kinakausap ang puntod ng mommy niya.

"Mommy, sana nandito ka pa ngayon. Alam mo bang andami kong problema? Sobra. And Daddy was so busy in his works kaya hindi na niya ako naaasikaso. Mommy! I need you.. *cries* hindi ko na kaya. Kailangan ko ng mapagsasabihan ko ng problema, No one cares for me. And I was so guilty about what I've done to Xylie. Andami ko nang kasalanan sa kanya Mommy. Gusto ko siyang yakapin, kausapin at samahan pero hindi ko kaya, Mommy"

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon