Chapter Four

168 10 0
                                    

Chapter Four

"Best! Halika na! Malalate na tayo sa next class natin!" Sigaw ni Yesha. Malayo na kasi sila sakin.

Asan na ba kasi yung lalaking yun? Ang sabi niya babalik siya bago magpasukan. Tsk. Nasobrahan na naman yata 'to sa dota. Matawagan nga.

*ring* *ring*

"The number you have dialled--" tss. Asan na ba yung lalaking yun?! Naiinis na ako ah. >.< tsk. Makapasok na nga. Humanda sakin ang lalaking yun mamaya.

~~~

"Oh asan na si boyfie mo. Bakit hindi siya pumasok ng buong maghapon?" Madellaine

"Baka nangchicks na naman yun. Tsk. Tsk" sabay cross arms ni Yesha.

"Tignan mo kaya sa shop, baka andun pa yun ngayon" sabi ni Louise. Nagkatinginan naman kaming apat.

"Tara." Sabay sabay naman naming sabi.

Pumunta na kami sa shop at pumasok na kami sa loob. Wow! Ganito pala loob ng shop. Sorry naman daw. First time eh. Hahaha. Pagkapasok namin nakita namin sina Nigel, Leo at Vince.

Asan si Jiro?

Lumapit ako sa kanila at kinalabit si Nigel.

"Hoy Nigel! Nasan si Jiro!" Sigaw ko sa kanila. Nagulat naman silang tatlo nang makita nila ako.

"Oh Hi Xylie!" Haay naku! Hwag niyo akong mangiti ngiti ngayon ah.

"Nasaan si Jiro?" Tanong ko ulit sa kanila. Nagkatinginan naman silang tatlo. Ano? Magtataguan pa silang tatlo?

"Hindi mo ba nakita kanina?" Tanong ni Vince.

"Malamang. Tatanungin ko pa ba sa inyo kung nakita ko siya?" Sabi ko sabay taas ng kilay.

"Oo nga naman Vince. Ang engot mo talaga!" Sabay batok sa kanya ni Leo.

"So asan na nga?" Sabi ko habang naka cross arms na.

"Kalaro lang namin siya kanina eh, ang ingay-ingay niya pa kanina" nagkatinginan silang tatlo.

"Dre! Naginvisible siya! Halla! Natatakot ako!" Sabi ni Nigel sabay yakap kay Leo.

"Yuck! Ang gay mo Nigel! Umalis ka nga!" Sigaw naman ni Leo habang inaalis yung yakap ni Nigel. Hindi ko ba alam kung matatawa ako o maiinis sa tatlong 'to. Tss.

"Uy, sabihin niyo na kasi kung nasan si Jiro!" Naiinis na ako ah -.-

"Seryoso. Hindi namin alam Xy eh" sabi ni Leo habang nagkakamot pa ng ulo, may kuto ba 'to? Tsk.

"Sige. Salamat nalang. Ang laki ng naitulong niyo" full of sarcasm kong sabi sabay alis sa computer shop.

"You're welcome Xylie! Hahaha. Mahahanap mo din yun. Tiwala lang!" Pahabol ni Vince. Tsk. Loko-loko talaga 'to kahit kelan.

"So, ano nang plano mo? Saan mo siya hahanapin?" I don't know. Yun din ang tanong ko sa sarili ko. Saan ko siya hahanapin ngayon?

"Hay naku best! Yan na nga bang sinasabi ko sayo eh! Sinabi ko nang lolokohin ka lang lalaking yan! Tsk!" Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Madellaine.

"HAHAHAHAHA"

"Yesha, mas O.A ka pa kay Xy!" Sabi ni Madellaine habang tumatawa pa rin.

"Hindi ako O.A malay niyo nambabae talaga yung lalaking yun. Hindi natin alam" bigla naman kaming natigilan sa pag tawa.

"Yesha, hwag ka naman magbiro ng ganyan" parang bigla akong kinabahan sa sinabi ni Yesha. Seryoso kasi siya eh.

"Hay naku. Tama na nga yan. Hanapin nalang natin siya. Okay?" Naglakad na sila papunta sa kung saan man. Saan ba nagsususuot yung taong yun? Tsk. Humanda talaga sakin yung lalaking yun pag nakita ko.

*bzzt* *bzzt*

From: Yam❤️

Yam.. Sorry hindi na kita nahatid sa bahay niyo tsaka hindi na ako nakapasok. Umuwi na kasi ako sa bahay. Emergency kasi eh. Sorry po :(

*sigh*

Buti naman nagparamdam siya. Parang mamamatay yata ako kanina. Wooh! Medyo nakaluwag luwag ng konti.

From: Yam❤️

Ui sorry na Yam. Hindi kita natext kanina kasi busy masyado eh.

Hindi ko nalang siya nireplyan. Tinawagan ko na siya.

[hello?]

"Yam naman, nasaan ka?" Napatingin naman silang tatlo sakin kaya niloudspeaker ko.

[Ahmm. Nandito sa bahay, oo sa bahay yam. Bakit?]

"Parang di siya sure ah" bulong naman ni Louise. Nag sign naman ako ng 'shh' sa kanya.

"Ah wala naman, ano bang nangyari? Gusto mo bang pumunta ako diyan?"

[Hwag! Ah, I mean hwag na po Yam. Okay lang ako. Mabuti pa umuwi ka nalang magga gabi na oh] Okay :( nalungkot lang ako dun.

"Sige po Yam. Ingat ha. I love you"

[I love you too. Bye Yam]

*end of convo*

"Parang ayaw niyang pumunta ka sa bahay nila. Hmmm. Baka may babae sa bahay nila" sabi ni Yesha habang pinopoint pa niya yung baba niya na kunwari ay nag iisip. Huhu :'( hwag naman sana.

"Haha. Joke lang. 'To naman! Hahaha. Ang iyakin mo" sabay yakap sakin ni Yesha. Hindi ko napansin umiiyak na pala ako.

"Mahal na mahal mo talaga yung lalaking yun noh?"

Napaisip ako. Mahal na mahal? Siguro nga. Haay. Ewan.

"Hay naku. Hayaan mo na. Uwi ka na Xy, pasok ka nalang ng maaga bukas. Ha? Smile na po" sabi ni Madellaine. Tumango ako at umuwi na.

~~~

Nakatingin ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. Gusto ko siya tawagan pero baka busy siya. Haay. Sana family problem lang yung emergency niya kanina kaya siya hindi nakapasok. Sana hindi niya ulit gawin sakin yung mga ginawa niya noon.

Flashback 3 weeks ago..

*Convo with Jiro*

"Yam nasaan ka ngayon?"

[Nasa basketball court po ako Yam, naglalaro ng basketball. Why po?]

"Ah wala, sige. Ingat ka palagi ha. I love you."

[Sige. Sige. Bye Yam]

*end of convo*

Bigla ko nalang nabitawan yung phone ko at napahagulgol. I saw him in the park with another girl, holding each other hand and laughing together. At talagang nakaakbay pa siya ah :/ Bakit niya ako niloloko? Anong nagawa ko sa kanya? Bakit niya ginagawa sakin 'to? Bakit siya nagsisinungaling sakin? He cheated on me! I hate him.

*end of Flashback*
~~~

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon