Chapter Ten

144 9 3
                                    

Chapter Ten

Nandito ako ngayon sa library, mag-isa. Ilang araw nang ganito. Tambay sa library, ilang araw na din akong nag-iisa. Ano bang nagawa ko? Bakit pakiramdam ko ang laki ng galit sakin ng mundo?

Una, nawala sakin ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko. Pangalawa, galit sakin si Jiro, dahil ang alam niya wala akong tiwala sa kanya. Ano bang dapat kong gawin para maibalik yung dati? Gusto kong bumalik sila sakin muli.

"Miss, hindi ka pa ba papasok? Malalate ka na sa next class mo" tanong sakin ni Miss Librarian, tinignan ko naman ang relo ko, 10:35 na pala hindi ko man lang napansin ang oras. Late na ako kaya hindi na ako pumasok. Sa next subject nalang.

"Miss, may problema ka ba?" Tinignan ko naman si Miss Librarian at ngintian, yung pilit na ngiti. Umupo naman siya tabi ko.

"Alam mo kung ano man 'yang problema mo, malalagpasan mo din yan. Hindi man ngayon malay mo bukas, diba? Pero teka, ano bang problema mo?" Sasabihin ko ba sa kanya? Baka makatulong siya sakin sa problema ko.

"Kasi po may mga kaibigan ako, then I have a boyfriend. Lagi po nilang sinasabi na niloloko lang po ako ng boyfriend ko, lagi po nilang pinaghihinalaan si Jiro.."

"Wait Jiro ba kamo?" Tumango naman ako "bakit po" tanong ko sa kanila.

"A-ah wala naman, sige. Tuloy mo lang" tinuloy ko naman yung kwento ko. Yung buong kwento, pagkatapos nun siya naman ang nagsalita.

"Yung mga kaibigan mo concern lang sayo, at yung boyfriend mo naman siguro may problema lang din yun kaya ganun sayo. Hindi naman masamang magtanong sa kanya eh, pero hwag muna sa ngayon. Okay? Pag alam mong medyo kalmado na siya yun, tanungin mo siya kung ano bang problema niya." medyo narelieved ako sa sinabi ni Miss Librarian. Siguro nga tama siya. Baka hindi pa 'to yung tamang panahon para kausapin ko siya tungkol sa problema namin, siguro hintayin ko munang maging okay siya bago ko siya kausapin.

"Hwag ka nang umiyak, miss?"

"Xylie po, Xylie Ridriguez" sabi ko sa kanya.

"Ah oh miss Xylie, alam mo ang ganda-ganda mo tapos umiiyak ka lang. Tama na ha? Masosolve no din yan. Okay? Sige pasok ka na. Baka mamaya malate ka na naman sa next subject mo" inayos ko na yung mga gamit ko at inayos yung upuan ko sabay tayo.

"And oh BTW I'm Naomi Lee, just call me ate Nami. Okay? And I'm the librarian here. Kapag kailangan mo ako nandito lang ako. Sige na pasok ka na baka malate ka ulit eh"

Pumasok na ako sa next subject ko. Pagpasok ko wala pa yung teacher. Buti nalang wala pa. Napatingin naman ako kay Jiro, ni hindi man lang niya ako tignan. Sila Yesha, Madellaine at Louise naman naguusap lang sila, namimiss ko yung dating samahan namin. Sinubsob ko nalang yung ulo ko sa desk ko at natulog muna.

~~~

Pagkagising ko paalis na yung ibang estudyante. Uwian na ba? Nakatulog ba akong matagal? Lumapit sakin yung isa kong kaklase.

"Xylie, tayo ka na diyan. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Uwian na natin" sabi niya sakin habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko. Kinusot ko yung mata ko at tumayo na.

"Nakatulog ba ako? Hindi ba nagalit yung teacher?" tanong ko sa kaklase ko. I don't know her name na eh.

"Ah. Hindi kasi pinakiu--"

"Steph! Let's go!" Sigaw naman ng isang lalaki mula sa labas. Tinignan ko naman kung sino ang sumigaw. Si Jiro. Anong meron sila ng babaeng 'to? <.<

"A-ah sige. Una na ako ah. Ingay sa pag-uwi" sabi niya at umalis na. Bakit sila magkakilala? Anong meron sa kanila? Arghh! T*ngina mo Jiro Liam Sandford! Lagi mo akong sinasaktan.

~~~

P.S. sorry po sa short update.😂

One Last Chance❤️ [on-going]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ