Chapter Nine

146 8 0
                                    

Chapter Nine

Ngayon na ang contest namin ng Math, medyo kinakabahan ako. Paano kung matalo ako? Paano kung hindi ko maipanalo ang school? Nagkaroon pa ng mga program bago magumpisa yung contest. Ito na. Magsisimula na. Kinakabahan na ako.

[A/N: skip na po natin yung mga nangyari sa contest]

"Nice try Xylie! It's okay."

"You did well"

"Xylie, I'm proud of you"

Ang sarap sa feeling na proud na proud sila sakin :) kahit na hindi ko nakuha yung title. It's still him. Nasa kanya pa rin ang title ng Math Wizard Achiever.

"Congratulations! Mr. Xion you have the title of Math Wizard Achiever and to Ms. Rodriguez who got the second place. And to all the Math Achivers, congratulations. All of you did your best"

Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao sa gym. Tanggap ko naman na second lang ako. He deserves that title :D He's smarter than me. Pabalik na kami sa hotel namin at inayos yung mga gamit. Babalik na kami mamaya sa school namin. Hay. Bigla kong naalala si Jiro.

Bakit hindi na siya nagpaparamdaman sakin?

Galit pa rin kaya siya sakin?

Ganun na ba kataas ng pride niya?

"Xylie, congrats pala. Galing mo ^.^" tuwang-tuwa na sabi ni Brylie. Haha. At syempre nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Paglabas natin dito. Friends pa rin tayo ah" sabi ni Kesha. Nagkatinginan naman kami ni Brylie at sabay naming niyakap si Kesha (group hug)

"Hahaha. Oo naman. Paglabas natin dito. Friends parin tayo. Diba, Brylie?" Tumango naman si Bry. Ang saya pala pag may bago kang kaibigan na alam mong hindi ka pinaplastik. Yung tunay talaga. Yung totoo.

~~~

"Best! Kamusta ang Math Contest mo? Balita ko nanalo ka daw! Galing mo talaga!" Namiss ko din 'tong ingay ng babaeng 'to ah.

"Ingay mo Yesha. Pinagtitinginan na tayo ng tao oh" bulong naman ni Madellaine.

"Wala kang paki! Di mag-ingay din sila!" Sigaw ulit ni Yesha.

"Tss. Hindi ko po yan killala. Hahaha" sabay cross arms ni Madellaine.

"Sino ba nagsabing kilala kita? Aber?" Yesha. At nagcross arms din.

Hahaha. Kami ni Louise? Ayun natatawa lang sa dalawa. Namiss ko 'tong tatlong 'to.

"So, kamusta naman kayo habang wala ako?" Tanong ko sa kanila.

"Okay lang kami!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Pero si JL, hindi yata" napatingin naman ako kay Louise.

"JL? As in si Jiro? Bakit?" Nagkatinginan naman silang tatlo. Anong meron? May tinatago ba sila sakin?

"Ano?! Anong problema? May nangyari ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila. Nagsesenyasan sila kung sino ang magsasabi sa kanila.

"Kasi.. Kasi Xy.. NakitaNaminSiJiroKasamaSiJulia" ano? Pwedeng pakibagalan? Di ko narinig eh.

"Sandali. Sandali. Pwede mo namang bagalan diba? Hindi ko maintindihan eh" huminga naman ng malalim si Yesha.

"Kasi ganito yun. Nung sabado pumunta kami sa mall nila Louise and Madellaine. Then we saw something bad.."

Yesha's Point Of View

Flashback nung Saturday..

Pumunta kami ng mall nila Madellaine at Louise para bumili ng dress namin para sa party ni TJay. Habang nasa store kami ng mga dress may napansin kaming di kagandahan.

"Diba si Julia yun?" Tanong ko sa kanila.

"Oo nga, tara lapitan natin!" Sabi naman ni Madellaine.

"Teka! May kasama siya! Si Jiro!" Pigil naman ni Louise.

Bakit sila magkasama? Anong ginagawa nila dito? I mean, bakit silang dalawa lang?

"Anong ginagawa nila dito?" Napatingin naman kaming dalawa ni Louise kay Madellaine.

"Malamang nagshoshoping diba?"

"Shh, hwag kayong maingay. Baka marinig tayo. Ang mabuti pa sundan nalang natin sila"

Sumang-ayon naman sila at sinundan namin silang dalawa sa kahit ano mang pupuntahan nila. Kung titignan mo sila parang sila talaga. Kung hindi namin sila kilala, mapagkakamalan mo talagang magsyota sila.

End of flashback..

"Yun lang?" Kalmadong tanong ni Xylie. Hindi man lang siya magagalit?

"Hindi ka galit? Hindi ka nagseselos?" Tanong ni Madellaine.

"Alam niyo, may trust ako kay Jiro. Alam kong hindi niya magagawang lokohin ako"

Nagkatinginan naman kaming tatlo? Manhid na ba siya o sadyang tanga lang 'tong bestfriend kong 'to?

"Xylie, rinig na rinig mong sinabi ni Yesha na magkasama sila. As in silang dalawa lang!"

"Eh ano naman sayo ngayon, Madellaine kung silang dalawa lang?! Bitter ka lang kaya mo nasasabi yan. Kasi brineak ka ng boyfriend mo! Wala akong pakialam kung magkasama silang dalawa! Malay mo magbestfriend lang sila, diba? Binibigyan niyo kasi ng butas lahat ng ginagawa ni Jiro. Kasi gusto niyong maghiwalay kami! Naiingit lang kayo sakin! Kasi ako lang ang may boyfriend sa inyo!" Sigaw ko sa kanila. Naiinis na ako. Lahat nalang ng ginagawa ni Jiro, binibigyan nila ng malisya.

"Ah, ganun pala tingin mo samin, Xylie? Hindi kami naiingit sayo, ginagawa namin 'to dahil concern kami sayo. Ayaw naming masaktan ka muli nang dahil diyan na lalaking yan. Oo bitter si Madellaine. Oo wala kaming boyfriend ni Yesha pero hwag mo naman kaming pagsabihan ng ganyan. Minahal ka namin bilang kaibigan, ayaw naming masaktan ka. Pero siguro kailangan mo ng time para mag-isip. Nawala ka na samin simula nang maging kayo ni Jiro. Wala ka ng time samin simula nung binalikan mo siya."

Pagkatapos sabihin ni Louise lahat ng yun, umalis na siya. Sumunod naman sina Madellaine at Yesha. Napaupo nalang ako sa sakit na nararamdaman ko.

'Anong nagawa ko?'

~~~

One Last Chance❤️ [on-going]Where stories live. Discover now