JIRO'S POINT OF VIEW (Second Part)

15 0 0
                                    

Continuation...

"Si Cloyd? Si Cloyd yung guy?" tanong ko sa sarili ko. So ibig sabihin. Pinsan ko ang bagong boyfriend ng ex girlfriend ko? Sht. Bakit ganito? Bakit ganito yung nangyayari? Mas lalo akong nasasaktan. Akala ko nung nakita ko siyang ngumiti ulit. Okay na ako pero bakit pati pinsan ko? Iisipin ko bang inagaw niya sakin si Xylie? Syempre hindi! G*go ka ba Jiro?! Iniwan mo siya. Iniwan mo si Xylie. Kahit kahilan man hindi na siya sayo.

Umuwi na ako sa bahay.

"Sir! Bakit kayo andito? Hindi man lang kayo nagpasabi para nakahain ak--" tinignan ko naman yung maid.

"Bakit bawal ba ako dito? Katulong ka lang dito kaya wala kang pakialam." pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na.

KINABUKASAN

bakit ganito yung nararamdaman ko? Ang sakit sakit. Ginawa ko lang naman yung tama ah. Ginawa ko lang yung nararapat kong gawin pero nasasakatan pa din ako.

"Hey JM are you okay? Parang ang tamlay mo." nagui guilty din ako kay Yesha nang di dahil sakin hindi sila mag aaway ng bestfriend niya. Pati siya nadamay pa sa problema ko.

"Yesha? You need to leave me. Kaya ko na to mag isa." Umiling naman siya.

"No. You still need me. Diba meron pang family reunion niyo? Wala kang ipapakilala. Wala na si Xylie para ipakilala mo sa kanila" umiling naman ako.

"Salamat sa lahat Yesha. Sapat na yung isang taon mong tulog sakin. Hayaan mo. Babayaran kita"

"Bayaran?! Di ako bayarang babae Jiro--"

"Dont call me Jiro. Okay?!" Umiyak naman siya nung sinigawan ko.

"Urgh. Sorry Yesha. Sorry. Nabigla lang ako nung--"

"Stop. Tama ka. Sguro di mo na din ako kailangan. You're welcome Mr. LIAM Sandford. And oh btw. Kapag kailangan mo ulit ako andito lang ako" paalis na siya nung niyakap ko siya.

"I'm sorry. Thankyou na din. Thankyou sa lahat" ngumiti naman siya.

"Oh sge na. Haha. Drama mo. Dito lang ako pag may kailangan ka okay?" Nag nod naman ako.

"Ah Yesha wait!" lumingon naman siya.

"Tutulungan ko kayong magka ayos kayo ulit nung bestfriend mo" umiling naman siya.

"No need. Kaya ko to. Handa na ako sa sampal niyang malakas. Haha. Osge. Mag iingat ka ah? Yang kalusugan mo. Alagaan mo okay?" Ngumiti naman ako at tumango. Kung hindi ko lang minaha ng sobra si Xylie sguro nahulog na ako sa babaeng ito pero hindi eh. Mahal na mahal ko pa ri  talaga siya.

Nakikita kong magkasama na naman sila ni Cloyd. Magkayakap pa. Sila na ba talaga? Haay. Eh ano naman ngayon sayo Jiro? Boyfriend ka ba niya? Oo. Noon.

Pumunta na muna ako sa library at nagreview. Malapit na din yung finals namin. Binuksan ko yung Physics kong book. Nakita ko yung flower na nilagay niya sa book ko. Thankyou gift niya daw sakin yun kasi nakapasa siya sa Physics niyang exam.

FLASHBACK

Nakikita ko papalapit sakin si Xylie. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Oh anyare? Teka bat naiiyak ka? Sinong nagpa iyak sayo?" tumawa naman siya ng mahina. Weird ng babaeng ito. Kanina lang parang paiyak na pero tumatawa naman ngayon. Baliw na ba ang girlfriend ko?

"Oh ano na nga?" ngumiti naman siya ng pagkalaki laki at may pinakita siyang papel.

Rodriguez, Xylie
PHYSICS IV
45/50

Totoo ba 'to? Parang talo niya pa yata yung exam ko samin eh. Wow!

"Galing ng baby ko ah." hinalikan ko siya sa noo at niyakap niya naman ako ng sobrang higpit. :") saya ko kasi tuwang tuwa siya.

"Thankyou baby! *masayang voice* alam mo ba? First time kong mangyari sakin to. Thankyou talaga. :) thankyouuu soo muuch *sigh* *ngiti*" kahit kelan talaga ang ganda ganda ng ngiti niya. Sana balang araw di ito mawala sa mukha niya.

END OF FLASHBACK

Pero nagkamali ako eh. Sa mga lumipas na araw ako yung naging dahilan ng pagkawala ng mga ngiti niyang yun. Lumapit naman si ate Naomi sa tabi ko.

"Oh JM what are you doing here dear? Magsasara na ang library oh. Wala ka pa bang balak umuwi?" tinignan ko yung oras. 4:30 na pala pero kakaunti palang yung narereview ko.

"Ah ate. Ako nalang magsasara ng library."

"Sguro ka ba? Haha. Di iuwi mo nalang yan lahat at alam kong pagod na pagod ka na. Halika na ayusin na natin yan at sabay na tayong lumabas ng school." Timulungan naman akong magligpit ni ate Nami. Sabay na kaming lumabas ng library.

"Ah ate hatid na kita pauwi." tumingin naman sakin si ate Nami.

"Ay wag na Jiro. Umuwi ka na kasi mag gagabi na okay?" umiling naman ako.

"Tinulungan mo na din po ako minsan. *smile* gusto ko lang pong makatulog din sa inyo. Kaya akin na po yung libro niyo. Ako na po maghahatid sa inyo" napangiti naman si ate Nami.

"Ikaw talagang bata ka. Osge na nga. Makaka hindi pa ba ako sayo?"

Pumasok naman si ate Nami sa passenger seat. Napansin niya yatang medyo matamlay ako at hindi nagsasalita masyado.

"JM, are you okay? Parang pansin ko kanina ka pa matamlay" bumuntong hininga naman ako. Magtatanong ba ako ng advice kay ate? Baka makatulong siya. Pero bago pa ako magsalita. Nagsalita ulit siya.

"Is it all about Xylie?" Tinignan ko naman si ate Nami at tumingin ulit sa daanan.

"You still love her..."

..do you?

Do I still love her? I didn't stop loving that girl.

~~~

(A/N: sorry kung medyo maikli na. Hope you like it. :) )

One Last Chance❤️ [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon