Chapter Seven

151 10 1
                                    

Chapter Seven

Sabado ngayon pero kailangan kong gumising ng maaga dahil may contest kami ng Math Competition sa HSMA. Nagpaalaman na ako kay Jiro at pinayagan naman ako.

"Anak! Baba ka na andito na ang mga kaklase mo!" Sigaw ni mommy mula sa baba. Bumaba na ako at lumabas na.

"Mommy, alis na po ako" sabi ko at humalik na sa pisngi ni mommy.

"Mag-iingat anak ha" tumango naman ako at umalis na. Sumakay na ako sa sundo namin.

Natulog muna ako habang nasa biyahe kami. Nagising nalang ako nung ginising ako ng isa kong kaklase.

"Andito na tayo Xy" sabi ng isa kong kasama. Inayos ko naman yung mga gamit ko at bumaba na sa sasakyan.

"Guys! Feel at home lang kayo ah. Haha. Magpahinga muna kayo sa mga room hotels niyo. Mamaya na tayo magrereview. Okay ba yun?" Nag approve naman kaming lahat at pumunta na kami sa rooms namin. Tatlo pala sa isang room.

Inaayos yung gamit ko ng bigla nalang may pumasok sa room, baka yung mga kasama ko na 'to.

"Hi! You're Xylie Rodriguez. Right?" Tumango naman ako at nginitian siya.

"So, you're the other girl of Liam Sandford?" Nabingi naman ako doon sa sinabi niya? Other girl?

"Wait miss, who are you?"

"I'm Wency Martinez. Ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakamagaling na cheerdance sa campus natin and I'm the newest girlfriend of Liam Sandford" and so? Who cares? Tinanong ko lang naman pangalan niya dami na niyang nasabi. Kahit na sa kanya na ang lahat ng pinaka sa mundo, nasa kanya parin ang PINAKAPANGIT NA UGALI SA MUNDO. And what did she say? The newest girlfriend?

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Hay naku. Sinasabi ko sa inyo pag ito hindi ko nagustuhan ang sasabihin niya hindi ako magdadalawang isip na sampolan 'to.

"Simpe lang naman" sabi niya habang kinukulot yung gilid ng buhok niya gamit ang isa niyang daliri "I called you the 'other girl' because I am the legal and newest girlfriend of Liam. Isa ka lang naman sa mga laruan niya"

"For short you're a mistress" hindi na ako nakapagpigil at sinabunutan ko na siya.

"Walanghiya ka! Wala akong pakialam kahit na nasa'yo na ang lahat ng pinaka, para sakin ikaw pa rin ang pinaka malanding babae sa mundong ito!"

"Ouch! Stop it! Alam mo! You're doing this to me kasi alam mong totoo lahat ng sinabi ko diba?! Atsaka inggit ka lang kasi nasa akin lahat ng hinahanap ni Liam! Ouch!" Pinipilit niyang inaalis yung kamay ko sa mga buhok niya pero hindi niya maalis dahil ang higpit ng hawak ko sa buhok niya.

"Malandi ka! Porket nasa'yo na lahat, sa tingin mo makukuha mo na agad si Liam?! Arrghhh!" Binitawan ko na yung hawak ko sa buhok niya. Baka mamaya maalis ko pa yung buhok niya.

"Yeah! Mahirap tanggapin pero yun talaga ang totoo my dear" sabi niya habang inaayos yung buhok niya. Pag 'to hindi pa umaalis sa harapan ko, tutuluyan ko na talaga.

"Arghh! You ruined my hair! I hate you! You ugly girl"

"Ha-ha. My feeling is mutual I hate you too!" Pagkasabi ko nun umalis na siya. Shezz. Nakakainit ng dugo ng babaeng yun ah.

~~~

One Last Chance❤️ [on-going]Where stories live. Discover now